VP Sara Duterte, magsisilbing ‘game changer’ kontra communist terrorist group – NTF-ELCAC
- Published on May 18, 2023
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA ang National Task Force to end local communist and armed conflict na magsisilbing ‘game changer’ si Vice President Sara Duterte para sa magiging transition ng kanilang stratehiya sa paglaban kontra sa communist terrorist group sa Pilipinas.
Ito ay matapos na italaga ang Bise Presidente bilang Co-Vice Chairperson ng NTF-ELCAC na malaki aniya ang magiging papel sa pagtupad sa kanilang mandatong labanan ang mga komunistang teroristang grupo sa bansa.
Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, inaasahang isa sa mga mahahalagang papel ni VP Duterte ay ang pagbibigay ng guidance sa mga ahensyang nasa ilalim ng NTF-ELCAC mula sa kaniyang mga naging karanasan bilang alkalde noon ng Davao City na isa sa mga insurgency free places ngayon sa Pilipinas.
Bukod dito ay muli ring binigyang-diin din ng opisyal na malaking bagay din ang maitutulong ng pagiging kalihim ni Duterte bilang kalihim ng kagawaran ng edukasyon para mapalakas ang proteksyon at seguridad sa mga paaralan sa bansa upang mapigilan na ang ginagawang recruitment activities ng mga miyembro ng New Peoples Army sa mga eskwelahan.
Kung maaalala, una nang inanunsyo ng NTF-ELCAC na magpapalit sila ng estratehiya mula sa dating warriors of peace tungo sa pagiging bringers of peace, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na mas mapayapa at nagkakaisang pagtugon sa communist terrorist groups sa bansa.
Dahil dito ay mas paiigtingin pa ng naturang task force ang kanilang barangay development program at retooled community support program sa tulong ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan sa bansa para sa mga dating rebelde na magbabalik loob muli sa gobyerno. (Daris Jose)
-
COVID-19 testing itaas sa 150K kada araw
Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan na kailangang itaas sa P150,000 kada araw ang COVID-19 testing upang mas epektibong matukoy ang mga nagkakasakit at agad na mailayo sa ibang tao. Sinabi ni OCTA member Prof. Guido David na dapat itaas sa 75,000 ang testing sa National Capital Region (NCR) pa lamang at […]
-
Half mast ng PH flag, ipina-iral para sa day of mourning
KAPANSIN-pansin ngayong araw (Nov. 4, Lunes) sa mga isinagawang flag ceremony ang paglalagay sa kalagitnaan lamang ng Philippine flag. Alinsunod ito sa Presidential Proclamation 728 na nagtatakda ng day of mourning o araw ng pagluluksa para sa pananalasa ng bagyong Kristine na kumitil sa mahigit 100 katao, lalo na sa Bicol at Calabarzon […]
-
Nagbabalik na ang ‘Iconic Pair’ ng PH Cinema: Patikim ng bagong TVC nina JOHN LLOYD at BEA, inilabas na
NASA Instagram na ng Jollibee ang bagong TVC ng mga new Kapuso actors na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Ito ang shoot nila two weeks ago na akala ng mga netizens na nakakita ay nagsu-shoot na sila ng movie nila sa Star Cinema. Tiyak na ikatutuwa ng mga viewers […]