• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay gymnasts pumitas ng 3 ginto sa Hungary

Sa pagkakataong ito, Pinay gymnasts naman ang nagpasiklab sa international scene matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2020 Santa’s Cup na idinaos sa Budapest, Hungary.

 

Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Southeast Asian Games champion Daniela Reggie Dela Pisa matapos kumana ng dalawang gintong medalya.

 

Pinagreynahan ni Dela Pisa ang hoop at clubs events sa women’s rhythmic gymnastics.

 

Si Dela Pisa ang bukod-tanging Pinay female gymnast na nakasungkit ng gintong medalya noong 2019 SEA Games sa Maynila.

 

Nasikwat nito ang korona sa hoop event — ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa rhythmic gymnastics sa biennial meet.

 

Malalim din ang kuwento ni Dela Pisa na isang ovarian cancer survivor na naging inspirasyon nito upang ipagpatuloy ang laban sa buhay.

 

Sa kabilang banda, nag-ambag si Breanna Labadan ng isang ginto at dalawang pilak na medalya.

 

Nanguna si Labadan sa ball event habang nakasikwat din ito ng pilak sa ribbon at sa individual all-around.

 

Pinaghahandaan nina Dela Pisa at Labadan ang pagsabak nito sa 2021 SEA Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam.

Other News
  • Alicia Silverstone Shares TikTok About How She Was Body-Shamed As Batgirl

    CLUELESS star Alicia Silverstone reflects in a TikTok video on how she was body-shamed when she played Batgirl in the 1997 film Batman & Robin.     Silverstone was just 19 years old during the filming of the Joel Schumacher superhero film. She was also coming hot off the set of her big break in the 1995 […]

  • Mayor Tiangco sa mga mangingisda: Karagatan ng Navotas, panatilihing malinis

    NANAWAGAN si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa lokal na mga mangingisda sa lungsod na panatilihing malinis ang karagatan ng Navotas kasunod ng pagkakapasa ng Pamahalaang Lungsod sa Assessment of Compliance para sa Manila Bay clean-up.   “Ang pangingisda ang aming pangunahing mapagkukunan ng kita at bilang isang pamayanan ng pangingisda, dapat nating bigyan ng […]

  • 16 DILG regional offices, ISO-certified na-DILG

    TINATAYANG may  16 regional offices ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pinagkalooban ng International Organization for Standardization (ISO) 9001: 2015 certification.     Ito’y bunsod na rin ng pagtalima ng 16 DILG regonal offices sa quality management system standards.     Sa isang kalatas, sinabi ni  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.  […]