• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, oks sa panukalang lumikha ng body para tugunan ang jobs mismatch

WELCOME  kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang lumikha ng private sector-led coordinating partnership para tugunan ang “jobs at skills mismatch” sa bansa.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang  Private Sector Jobs and Skills Corp. ay panukala ng  Private Sector Advisory Council-Job sector Group, kung saan nakapulong ni Pangulong Marcos, araw ng Huwebes.

 

 

“Well, if it’s private sector-led, then the data gathering function will actually be almost automatic because it’s the private sector that will say ‘These are the things we need’,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang mga business leaders.

 

 

Nauna rito, inatasan ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE),  Department of Education (DepEd),  Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makipag-ugnayan sa PSAC-JSG para ihanda at itakda ang sistema sa kung paano palalakasin ang kolaborasyon para mabawasan ang “jobs at skills mismatch problem” sa mga prayoridad na sektor.

 

 

Ang paglikha ng  PSJSC ay inendorso ng mga dumalong miyembro ng gabinete.

 

 

Ang mga ito ay sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Secretary Arsenio Balisacan of the National Economic and Development Authority (NEDA), at Trade Secretary Alfredo Pascual.

 

 

Samantala, natuklasan sa  ginawang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS)  na 40% ng employed Filipino ay mayroong academic credentials na lampas sa kinakailangan sa kanilang trabaho.

 

 

Layon ng panukalang programa ay  ” to upgrade the skills of the Filipino workforce required by industry standards to accelerate the creation of more jobs in the country’s priority sectors. It is intended to support and align industry demands with the government’s education and skills training programs to further strengthen the labor force’s skills development efforts.” (Daris Jose)

Other News
  • MIYEMBRO NG “ALVAREZ CARNAPPING GROUP” 1 PA, TIMBOG SA SHABU AT BARIL

    ARESTADO ang dalawang umano’y sangkot sa illegal na droga kabilang ang aktibong miyembro ng “Alvarez Carnapping Group” na wanted din sa kasong robbery sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ericson Vistro, 25, ng Meycauayan, Bulacan at Leo […]

  • PUV drivers na magbayad ng kanilang fare matrix ng hanggang Setyembre 2023

    BINIGYAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ng hanggang Setyembre 2023 ang mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers para makapagbayad ng kanilang bagong fare matrix.     Ito ang lamang ng inilabas na Board Resolution No. 173, na nagbibigay ng dalawang options ang mga drivers para mabayaran ang kanilang matrix.     Ang unang […]

  • Pinas, South Korea kailangan na magtulungan sa pagpo-promote ng rules-based order

    KAILANGANG magsanib-puwersa ang Pilipinas at South Korea sa pagpo-promote ng rules-based international order na pangangasiwaan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.   Sa isinagawang bilateral meeting ng Pangulo kay South Korean President Yoon Suk Yeol, sinabi ng una na panahon na para sa dalawang bansa na […]