• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa kinagigiliwan na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: WILBERT, ibi-build up na rom-com actor kaya bawal nang magpa-sexy

NAGNINGNING ang mga bituin sa katatapos na Tindahan ni Aling Puring Sari-sari Store Negosyo Convention, ang taunang selebrasyon ng Puregold ng maliliit mga may-ari ng negosyo sa buong bansa.

 

 

Kabilang sa maraming mga kapana-panabik na kaganapan na nakahanay ay ang opisyal na press conference para sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile,” na naganap sa unang araw.

 

 

Dumalo ang award-winning na filmmaker at producer na si Chris Cahilig, na nagbigay ng welcome remarks, habang ang direktor na si Victor Villanueva ay parehong nagbigay-aliw at inspirasyon sa manonood habang inilalahad niya ang kanyang mga karanasan sa likod ng mga eksena.

 

 

“Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ay ang latest retailtainment offering na mula ng Puregold Channel on YouTube, na naghatid din sa matagumpay na “GV Boys” at “Ang Babae sa Likod ng Face mask”.

 

 

Ang mga online series na ito ay nag-allow sa Puregold na maabot ang young digital natives na naghahanap upang kumonekta sa mga klasikong kwentong Pilipino.

 

 

Ang digi-serye ay umiikot sa kwento ni Bryce (Wilbert Ross), isang young gamer na nagti-take ng first uneasy steps sa mundo ng pakikipag-date kasama sa kanyang tabi ang virtual wingman na si Angge (Yukii Takahashi)

 

 

Sa press conference, ipinarating nina Wilbert at Yukii ang kanilang sariling pag-iisip sa kuwento, at ipinakita kung paano maisasalin ang onscreen chemistry sa real-time na atraksyon habang pinakikilig nila ang mga manonood.

 

 

Ang chinito at dashing na si Wilbert ay lalo pang nagpahanga sa mga dumalo nang maghandog ito ng dalawang awitin na siya mismo ang nag-compose, ang “Sasabihin Ko Na” at “Langga”
Anyway, inamin ni Wilbert na dahil sa ‘Boy Bastos’ ng Vivamax, kaya siya napansin ng Puregold dahil tuwang-tuwa sila sa kanyang role. Pero dahil sa pagbibida niya sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”, ito na raw ang rebranding nila bilang rom-com actor.

 

 

Kaya ayon mismo sa Viva Artist Agency, mukhang na hindi na makikitang magpa-sexy pa. Dahil sa totoo lang, ang strenght ni Wilbert ay comedy, bukod pa sa kanyang pagkanta.

 

 

May bagong music video si Wilbert na siya ang nag-compose at nag-direk, ito ‘yun “Nakangiti” na kung saan kasama niya si Yass Pressman na wish din niyang maka-partner sa serye o pelikula, bukod pa kay Zeinab Harake, na pinasok na rin ang pag-aartista.

 

 

Present din sa naturang presscon ang mahuhusay at nakaaaliw na supporting cast na kinabibilangan nina Kat Galang (Genski), Migs
Almendras (Ketch), Marissa Sanchez (Bessie), Star Orjaliza (Yaya Aimee), Moi Marcampo (Chili Anne), TJ Valderrama (Cyrus), at Anjo Resurreccion (Jerry).

 

 

At bilang pasasalamat ng Puregold sa mga dumalo, may mga nagwagi ng sampung grocery packs na worth P2,500, tatlong smartphone at dalawang bonggang laptop.

 

 

Naging masaya at excting nga ang press conference for “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na kung saan mapapanood na ang Episode 5 ngayong ika-7 ng gabi sa Puregold YouTube channel.
Nagpahayag din ng kasiyahan si Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club Inc.

 

 

“We are always delighted by the chance to entertain our fellow Filipinos. “And we’ve been able to do that with the help of the hard-working cast and crew of ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile.’
“We hope everyone enjoyed the chance to see them up close and personal at this press conference.”

 

 

Gusto mo ba ng LIBRENG libangan? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa karagdagang updates, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa
Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Maraming Pinoy fans nadismaya dahil sa bigong kunin ng mga NBA teams si Kai Sotto

    MARAMING mga Pinoy fans ang labis na nadismaya matapos hindi kinuha ang Pinoy seven-footer na si Kai Sotto sa ginanap na 2022 NBA Draft.     Mula kagabi hanggang kaninang tanghali ay naging top trending topic si Sotto dahil sa pagbuhos ng mga panawagan at suporta ng mga Pinoy fans sa iba’t ibang dako ng […]

  • Obiena pumayag na makipag-ayos sa PATAFA

    HANDANG makipag-ayos si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at nais din nitong maging bahagi ng national team.     Sinabi nito na gaya aniya ng naging mungkahi niya noong sa PATAFA na magiging maayos na ang kaniyang magiging liquidation o kapag may mga panibagong pondo itong makuha. […]

  • 110 na ang nasawi, 101 sugatan, 33 missing sa hagupit ng bagyong Paeng – NDRRMC

    UMAKYAT na sa 110 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng.     Ito ay batay sa latest data na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC0 nitong umaga ng Martes.     Pinakamarami sa napaulat na nasawi ay nanggaling sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) […]