VP Sara nagpatutsada: Don’t be ‘tambaloslos’
- Published on May 23, 2023
- by @peoplesbalita
MATAPOS kumalas sa Lakas-CMD Usap-usapan ngayon ang ipinaskil na ‘cryptic message’ ni Vice President Sara Duterte sa social media, kung saan tinawag nito ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’
“Sa imong ambisyon (sa iyong ambisyon), do not be tambaloslos,” ani Duterte, bilang caption ng kanyang self-portrait photo na ipinaskil sa kanyang verified Instagram account.
Hindi pa naman malinaw kung ano o para kanino ang naturang post ng bise presidente, ngunit inilabas niya ito, sa gitna nang kaguluhang nagaganap sa House of Representatives.
Ang ‘tambaloslos’ ay sinasabing tumutukoy sa isang mythical creature na inilarawan bilang “halimaw o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari.”
Ito rin ang Visayan o Cebuano slang para sa isang tao na puro daldal lamang, walang kakayahan o hangal, at kadalasang ginagamit bilang isang insulto laban sa isang lalaki.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin naglalabas ang kampo ng bise presidente ng paglilinaw kung may partikular na tao ba siyang tinutukoy sa kanyang IG post.
Matatandaang kamakailan ay nagbitiw si VP Sara mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Ang pagbibitiw ni Sara ay matapos ma-demote si Pampanga 2nd district Rep. at Lakas-CMD Chairperson Emeritus Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. (Daris Jose)
-
PBBM tiniyak ang mas maayos at modernong transportasyon sa bansa
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino ang mas maayos at modernong transportasyon at ginagawa ng kaniyang administrasyon ang mga nararapat na hakbang upang makamit ang layuning ito. Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng dumalo ito sa paglagda ng loan agreement para sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) kahapon sa […]
-
Traffic management plan sa SONA, plantsado na
TINIYAK ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na nasa 1,329 nilang tauhan ang naatasang […]
-
HEART, nagsimula na ng lock-in taping kasama si PAOLO sa Sorsogon after ng required quarantine days
TULOY na tuloy na ang world premiere ng Legal Wives sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad. Marami na ring naghihintay kung kasama pa rin si Ms. Cherie Gil sa story kahit hindi na nito tinapos ang family series tungkol sa mga Mranaw. Naroon pa […]