PBBM, madamot na magbigay ng komento sa isyu ng speakership sa Kongreso
- Published on May 23, 2023
- by @peoplesbalita
HANGGANG sa ngayon ay madamot pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng komento sa isyu ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng umugong na balita na plot o planong patalsikin si Speaker Martin Romualdez sa posisyon nito.
“I won’t make any comments about the speakership, as of yet,” ayon kay Pangulong Marcos sa sa idinaos na League of Provinces of the Philippines 4th General Assembly sa Pampanga matapos ipakilala si Romualdez.
Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay matapos na pabulaanan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang tsismis o usap-usapan na siya di umano ang nagpa-plano para patalsikin si Romualdez bilang Speaker of the House.
Nauna rito, tinanggal sa kaniyang posisyon bilang House Senior Deputy Speaker si Arroyo.
Sa paliwanag ni House Majority Leader at Zamboanga 2nd District Representative Manuel Jose Dalipe, ito’y upang bawasan umano ang bigat ng gampanin nito bilang kongresista.
Pero sa maikling statement na inilabas ni Arroyo, sinabi nito na “it’s the prerogative of the House.” Sinabi ng ilang malalapit sa dating Pangulo na maayos naman ang kalusugan nito.
Sa session nitong Miyerkules, May 17, pinalitan si Arroyo ng kapwa Kapampangan na si 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. Si Arroyo ang tumatayong chairman emeritus ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Si Arroyo rin ang isa sa mga kongresista ng 19th Congress na nag-endorso sa kaniyang party-mate na si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker na naipagtagumpay naman nito noong July 2022.
Mayorya naman ng political parties kabilang na ang Lakas-CMD, the National Unity Party (NUP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) — ang nagpahayag ng kanilang suporta para kay Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos.
Ang administration-allied Party-List Foundation, Inc., (PCFI) ay nagpahayag din na nananatili ang suporta nito kay Romualdez. (Daris Jose)
-
Alex Eala nabigo sa ITF World Tennis Tour
Natapos na ang kampanya ni Filipino tennis player Alex Eala sa ITF World Tennis Tour. Ito ay matapos na talunin siya ni 8th seed Darya Astakhova ng Russia sa score na 6-2, 6-2 sa laro na ginanap sa Czech Republic. Mula sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng […]
-
PH weightlifting team target na makakuha ng mahigit 2 gintong medalya
TARGET ng Philippine weightlifting team na makakuha ng hindi bababa sa dalawang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo 12-23. Pangungunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang nasabing weightlifting team na magdedepensa ng kaniyang women’s 55 kg division. Makakasama niya sa womens division […]
-
Desisyon ni PBBM sa pagtaas ng 5% sa PhilHealth premium, ‘very soon’
VERY SOON! Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang tanungin kung kailan siya magdedesisyon ukol sa pagpapatupad ng Philippine Health Insurance Corp.’s (PhilHealth) 5-percent premium rate increase. “It’s still under study but we’ll come to a conclusion very very soon,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview […]