• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang busy sa work kaya wala ring time: JAKE, nakikipag-date pero ‘di nagmamadaling magka-girlfriend

SINA Jake Cuenca at Sue Ramirez ang bida sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’ na mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV, napapanood sa Kapatid Network tuwing Linggo, 6 pm.
Si Sue, sa tunay na buhay ay may “Jack” na, boyfriend na si Mayor Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental.
Si Jake ba ay may ‘Jill’ na sa tunay na buhay?
“Wow! Wala, wala pa. Parang ano e, hindi, wala pa. But right now I think, ang dami kong ginagawa to be honest and parang… nagkasakit nga ako,” at natawa si Jake.
“Nagkaroon na ako ng, ‘The show must go on!’ moment habang ginagawa ko yung play, may sakit na ako, hindi ko na alam kung kaya kong gawin.
“But we did it, di ba.” pagtukoy ni Jake sa katatapos lamang na sexy play niyang ‘Dick Talks’ na kasabay naman ng taping niya para sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’.
Dagdag pa niya, “It will come at the right time, I think.
“Tsaka parang for now parang I’m happy with my current situation.”
Kahit pakikipag-date ay hindi ba niya ginagawa sa ngayon?
“Ahhh I’m open to it, di ba, I’m open to it pero for now parang this is no time, wala talagang time, e. Kakatapos lang nung play ko and then we’re here now, [sa Jack and Jill Sa Diamond Hills], but I’m grateful for this.
“Kumbaga eto yung mga tipong mga probelma na I’d like to have, alam mo yun?
“Na sa gitna ng pandemya sana ito yung problema ko nun, parang ganun,” at natawa si Jake na ang tinutukoy ay ang pagkakasakit dahil sa dami ng trabaho.
Sa direksyon ni John ‘Sweet’ Lapus, gumaganap na mga pulis sina Jake at Sue sa naturang sitcom.
Kaya tinanong namin si Jake kung noon bang bata siya ay naging ambisyon o pangarap niyang maging isang pulis.
“Ahm parang ano e, nung nagka-Cops and Robbers kami nung bata ako I always like being the robber,” at tumawa si Jake.
Ang Cops and Robbers ay isang uri ng laro para sa mga bata.
“I always like being the cowboy, or the Indian, yung laging ako yung masama, e. But I don’t mind this,” sabay-turo ni Jake sa suot niyang uniporme ng pulis sa mediacon, “I can be a cop, too.”
Kasama rin sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’ sina Ara Mina, DJ Onse, Nana Silayro, Nico Antonio, DJ Jhai Ho Hershey Neri, Willie Miller at Gardo Versoza.
Natanong naman si Jake, dahil ang orihinal na ‘Jack and Jill’ movie ay pinagbidahan nina Dolphy at Lolita Rodriguez (1954) at ‘Jack & Jill’ naman nina Herbert Bautista at Sharon Cuneta (1987) may pressure ba sa kanya ngayong siya si “Jack”?
“Actually hindi naman po siya remake, e. Di ba? Magkapatid sila sa original.”
Love interest naman nila ni Sue as Jill ang isa’t-isa sa TV5 comedy series.
“Yeah, it’s not a remake but certainly nakaka-pressure kasi naka-attach yung pangalan ng mga artistang nandiyan. But I think we’re confident kasi sobrang ang saya kasi ng set, e.”
Pagsegunda pa ni Sue kay Jake…
“Tiwala lang talaga yun e, sa ginagawa mo at sa ginagawa ng lahat ng tao sa paligid mo. Sabi ng ani Jake nagre-react lang daw siya sa amin pero lahat kami actually nagre-react lang kami sa isa’t-isa.
“Ganun po talaga gumawa ng comedy di ba, hindi dapat sobrang scripted kasi hindi mo mapu-pull off yung mga punchline kapag ganun.
“So kailangan lumalabas siya spontaneous,” sinabi pa ni Sue.
Tinanong rin kay Jake kung kumusta maging direktor si John “Sweet” Lapus.
“Actually maraming nagtatanong sa akin kumusta si direk Sweet, for me kahit comedy direk Sweet is intense! Kaya kailangan seryoso ka sa set hindi puwede yung ano, you can’t take things lightly with direk. “Kailangan you have to come to the set prepared, ready to work, and be able to do whatever he says.
“Kasi seryoso din si direk e, kaya kahit sabihin mong masaya at comedy ang ginagawa namin it’s still work.
“Hundred percent it’s still work,” sinabi ni Jake.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • PAOLO, nagpapasalamat sa GMA na napiling ex-bf ni HEART at muling nakaganap ng mabait na role sa serye

    IPINALABAS ng GMA Network ang “Love Together, Hope Together,” ang theme ng kanilang 2021 Christmas Station ID.      Napansin agad ng mga netizens na hindi na umabot at hindi na nakasama ang new Kapuso actor na si John Lloyd Cruz, pero nakasama na sina Bea Alonzo, Richard Yap, Pokwang, Beauty Gonzalez, ng halos lahat […]

  • Pacquiao camp may kontra-demanda sa Paradigm Sports

    Nagsampa ng kontra demanda ang kampo ni eigth-division world champion Manny Pacquiao laban sa Paradigm Sports Management.     Ipinunto ng Pacquiao camp na hindi natupad ng Paradigm Sports ang mga ipinangako nito tulad ng mega fight laban kay Ultimate Fighting Championship star Conor McGregor at ilang endorsements.     Ayon sa pangako ng Paradigm […]

  • “THE WANDERING EARTH II” IS A DREAM COME TRUE FOR HONG KONG MEGASTAR ANDY LAU

    THE box-office and critical success of the futuristic blockbuster “The Wandering Earth” has attracted big talents to join the follow-up film.       In “The Wandering Earth II,” a prequel to the 2019 hit, one of Hong Kong’s biggest artists, Andy Lau (“As Tears Go By,” “House of Flying Daggers,” “Infernal Affairs”), is playing […]