• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP

HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

 

 

Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte.

 

 

“We are still in the midst of putting together the pension plans so that it would be self-regenerating,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Now, we’re working hard on making sure that we have a pension plan both for the AFP and for the police,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinukoy ang posibleng senaryo na mararanasan sa kakapusan ng pondo sa susunod na anim na taon, sinabi ng Pangulo na nais niya na ang  militar at pulis ay mayroong self-sustaining pension plan.

 

 

Aniya, kasalukuyan nang sinusuring muli ang pension system  para sa AFP at PNP para makaiwas sa posibleng fiscal collapse.

 

 

“So, bago pa mangyari ‘yun, inuunahan na natin . We are designing a better system,” aniya pa rin.

 

 

Sa Senate hearing, araw ng Lunes,  sinabi ni Defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr. na  “very concerned” si Pangulong Marcos sa potensiyal na epekto ng reporma sa  pension system sa  military and uniformed personnel (MUP).

 

 

Tinuran ni Galvez na isusulong ng Pangulo ang “continuous discussion to have a common ground.”

 

 

Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang housing program hindi lamang para sa AFP at PNP subalit maging sa iba pang uniformed personnel.

 

 

“We are also putting together a program for housing for uniformed services, the police and the AFP… I think we will be able to do it at kasama na rin, maybe we can tie it up with the pension,” anito.

 

 

“There are many measures para hindi masyadong mabigat para dun sa sundalo at sa mga police,” dagdag na wika ni Galvez. (Daris Jose)

NEWS 3

Other News
  • Gadgets na inisyu sa mga guro, ‘di binabawi ng DepEd

    PINABULAANAN  ng Department of Education (DepEd) sa National Capital Region (NCR) na inutusan nila ang mga guro na ibalik ang mga ibinigay nilang gadgets para sa distance learning.     Ito ang inihayag ni DepEd Spokesman Michael Poa bilang reaksyon sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsabing  ipinababalik nila (DepEd) ang mga […]

  • LTFRB: Pagbibigay ng prangkisa sa premium taxi, suspendido

    SINUSPINDE  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon at pagbibigay ng prangkisa sa mga premium taxis sa buong bansa dahil sa alegasyon na may illegal sa kanilang operasyon.     Noong Dec. 13 ay naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2022-080 na nagsusupinde sa pagbibigay ng prangkisa sa mga premium […]

  • Gobyerno ng Israel, pinayagan na ang mga pinoy na tumawid sa Egypt; gobyerno ng Pinas, nangako na iuuwi ng ligtas ang mga Filipino

    TINIYAK ng  Israeli government  sa Pilipinas na pinapayagan na nito ang mga Filipino na makatawid at makadaan sa Rafah Crossing patungong Egypt.  Siniguro naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na handa ang Pilipinas na ialis ang mga filipino mula sa  war zone. Sinabi ni Pangulong Marcos na nagawang makipag-ugnayan ni Ambassador to the Philippines […]