• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD

NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.

 

 

Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito.

 

 

Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat na ituon ni Duterte ang kanyang pansin na tuparin ang kanyang mga responsibilidad bilang Kalihim ng Department of Education at co-vice chairperson ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at iwasan ang political entanglements.

 

 

“Si Inday Sara is very plain-spoken. Kung ano ang sinabi niya ‘yun ang ibig sabihin niya. She has too much work to do and cannot be involved in any of this. She cannot allow herself to be distracted. That’s the way I read it,”sinabi ng Pangulo.

 

 

“It’s true because kung titignan mo kung ano yung mga hinaharap niya talagang marami talaga at hindi puwede be involved in whatever it is that is going on… I can understand why. Sasabihin niya, ‘Ayusin muna ninyo yan. Gagawin ko muna itong mga importanteng kailangan kong tapusin,” dagdag na wika nito.

 

 

Mismong si Duterte ang nag-anunsyo na bumitiwa na siya  bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.

 

 

“This is to announce my irrevocable resignation as a Lakas-CMD member effective today. I am grateful to all the party members for the support that also once demonstrated that unity is possible to advance our shared dreams for our fellow Filipinos and our beloved country,” saad niya sa Facebook post.

 

 

Si Duterte ay nagsilbing chairperson ng partido kasama si House Speaker Martin Romualdez bilang Lakas-CMD president.

 

 

Bagama’t hindi tinukoy kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw, sinabi nito na ang kanyang serbisyo sa bansa ay ayaw niyang maapektuhan ng laro sa politika.

 

 

“I am here today because of the trust of the Filipino people in me to lead and serve them and the country, and this cannot be poisoned by political toxicity or undermined by execrable political power play,” ani Duterte

 

 

Nananatili rin umanong maglilingkod si Duterte sa mga Filipino.

 

 

“Nothing is more important to me than being able to meaningfully serve our fellow Filipinos and the Philippines, with President Ferdinand Marcos Jr. leading the way. Trust that my word, my commitment will be immutable,” aniya. (Daris Jose)

Other News
  • 40th Anniversary ng ‘Himala’, ipagdiriwang sa Disyembre… Sen. IMEE, NORA at CHARO, reunited at pinarangalan sa ‘FAMAS Awards 2022’

    REUNITED sina Senator Imee Marcos, Superstar Nora Aunor at Ms. Charo Santos-Concio na pawang pinarangalan sa FAMAS Awards 2022.     Naka-trabaho ni Sen. Imee sina Nora at Charo sa ‘Himala’ at ngayong Disyembre, ipagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng naturang pelikula, na prinodyus ng senadora noong 1982 sa pamamagitan ng Experimental Cinema Of The […]

  • CHRISTIAN, umaming muntik nang iwan ang showbiz at magsimula sa Amerika; nabago ang plano dahil sa ‘Big Night’

    MUNTIK na palang iwan ni Christian Bables ang showbiz para magsimula ng buhay sa Amerika dahil sa pandemya.     Nagkaroon ng anxieties ang aktor at pakiramdam niya ay wala na siyang panghahawakan na career noong matigil ang showbiz industry dahil sa mahabang lockdown.     Pero nabago raw ang lahat nang maging official entry […]

  • Jobless rate nitong Setyembre 2022, bumaba

    NAKAPAGTALA  ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ang Philippine Statistics Authority (PSA) nitong buwan ng Setyembre, ngunit kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbaba ang bilang ng mga indibidwal na mayroong trabaho sa bansa batay sa preliminary result ng kanilang isinagawang Labor Force Survey.     Sa ulat ni PSA chief at […]