• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025

LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025

 

 

Sinabi ni  DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay  consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng  public comments para  ma-fine-tune ang  K-10 curriculum bago pa ito ipatupad.

 

 

“Of course, ang gusto nating makuha talaga, ay lahat ng comments ng public, ma-consider natin para ma-tweak pa natin further ‘yung K-10 curriculum,” ayon kay Poa sabay sabing ang  nakapaskil na curriculum guide ay draft lamang.

 

 

Tinukoy pa nito na  “in reference to the guide,” ang  “mother tongue” ay dapat na manatiling ginagamit bilang  “medium of instruction.”

 

 

“It’s still a working draft, that’s why we want to get the comments. According to our curriculum guide, and we would like to clarify this, we did not remove the mother tongue as a medium of instruction. What we removed was mother tongue as a subject,” ani Poa.

 

 

Sa ngayon ang curriculum strand ng DepEd ay nananatiling nasa proseso na tipunin ang lahat ng mga komento para tulungan na isapinal ang revised curriculum.

 

 

Tiniyak pa ng DepEd, sa oras na maisapinal na, ang draft ng  updated curriculum guide para sa Grades 11 at 12 o Senior High School (SHS) ay dapat na ipalabas din “for transparency.”

 

 

“Consultation muna po tayo again, and then after that, magkakaroon muna tayo ng review proper and then saka na ‘yung revision,”ayon kay Poa. (Daris Jose)

Other News
  • Buong mundo “malulusaw” kung gagamitin ni Putin ang nuclear weapons laban sa Ukraine- Pangulong Duterte

    NAGBABALA si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng “worst possible outcome” para sa buong mundo sa gitna ng patuloy na banta ng Russia sa posibilidad na gamitin ang tactical o low-yield nuclear weapons laban sa Ukraine.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa Lapu-Lapu City, Cebu sa idinaos na 501 taong anibersaryo ng Victory of […]

  • BEATRICE LUIGI GOMEZ, kinoronahan bilang ‘Miss Universe Philippines 2021’; RABIYA, agaw-eksena matapos matapilok

    ANG pinagmamalaking pambato ng Cebu City na si Beatrice Luigi Gomez ang nagwagi at nag-uwi ng korona ng Miss Universe Philippines 2021 noong gabi ng September 30 sa Panglao, Bohol.     Kinabog nga ng first openly queer beauty queen ang 27 candidates na kinabibilangan ng isa sa early favorites na si Maureen Wroblewitz ng […]

  • PBBM, ginarantiya ang trabaho para sa lahat

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na lahat ay magkakaroon ng trabaho sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas” na kanyang pinro-promote.     Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos niyang i-welcome ang ulat na ang labor force participation ng bansa ay umakyat sa 66.6% noong Disyembre 2023, habang ang employment rate ay […]