• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Busy rin sa movie nila ni Yassi: RURU, excited nang makatrabaho si MATTEO sa aksyon-serye

INAMIN ni Kapuso actress Gabbi Garcia na ang boyfriend na si Khalil Ramos na ang kanyang ’the one’ sa interview ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda.”  

 

 

Sa ngayon ay six years na silang magkarelasyon at napag-usapan na nilang dalawa kung paano mapapanatili ang kanilang relasyon at naniniwala sila na sila na ang magkakasama sa buong buhay nila.  Naniniwala raw si Gabbi sa destiny, at sinusunod niya ang sabi ng mommy niya na ‘kung para sa ‘yo, para sa iyo’ at iyon daw ang destiny.

 

 

“Hindi po nagiging hadlang sa relasyon namin ni Khalil kung sakaling may iba kaming katambal sa proyektong ginagawa namin, naiintindihan naming part lamang ito ng trabaho namin. Kaya walang isyu ang bagay na iyon sa aming dalawa,” wika pa ni Gabbi.

 

 

“At ang masasabi ko, hindi seloso si Khalil, and I’m grateful for it.  Tulad sa “Unbreak My heart,” si Joshua Garcia ang katambal ko, at naiintindihan niya iyon dahil isa rin siyang actor.”

 

 

Malapit nang mapanood ang “Unbreak My Heart,” na first collaboration teleserye ng GMA Network, ABS-CBN at Viu Philippines, tampok din sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at iba pang Kapuso at Kapamilya stars.

 

 

Sila ang papalit sa malapit na ring magwakas na teleserye ng GMA Public Affairs, ang “The Write One” ng real lovers na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, 9:35 p.m. Mondays to Thursdays, sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

NGAYONG tapos nang mag-taping si Ruru Madrid ng “The Write One,” at nagsimula na siyang mag-shooting ng first movie niya sa Viva Films, ang “Video City” with Yassi Pressman.

 

 

Nagsimula na rin siyang mag-training ng pagmo-motor bilang paghahanda sa upcoming teleserye nila ng bagong Kapuso na si Matteo Guidelli.

 

 

Ayaw pa sanang sabihin ni Ruru kung ano ang project na gagawin niya pero nalaman niyang na-announce nang “Black Rider” ang pagsasamahan nila ni Matteo.

 

 

Inamin ni Ruru na natuwa siya nang sabihin sa kanyang magkakasama sila ni Matteo sa proyekto.

 

 

“It’s an honor po for me, dahil siyempre, napapanood ko siya noong nasa iba pa siyang network. Now na Kapuso na siya, excited na akong makatrabaho siya.  I know kung gaano rin siya ka-passionate magtrabaho. Kaya hopefully maging kaibigan ko rin siya.”

 

 

Malapit na rin silang magsimulang mag-taping ni Matteo. Para kay Ruru, isa namang malaking challenge ang kanyang gagawin, dahil pagkatapos ng serye nila ni Matteo, gagawin naman niya ang part two ng action-fantaserye niyang “Lolong.”

 

 

Kaya si Ruru, dahil alam na niyang nakalinya siya sa mga action projects, hindi niya inaalis iyong mga training, tulad ng mixed martial arts at kung ano pa iyong mga skills na dapat niyang matutunan.

 

 

Ayaw raw niyang biguin ang tiwala ng mga viewers sa kanya, na deserving siya sa bawat project na ibinibigay sa kanya.

 

 

***

 

 

ANG Congresswomman wife ni Senator Bong Revilla na si Lani Mercado-Revilla pala ang pumili kay Beauty Gonzalez na maging wife niya sa bagong comedy series na gagawin nila, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,”

 

 

Bakit si Beauty na isang Bisaya?

 

 

“Naa-amaze ako pag nakikita ko yung babaeng Bisayang asawa, na kapag nagalit, nagtatalak na,” kuwento ni Lani.

 

“I find it amusing, kaya sabi ko, magandang maging Bisaya ang ka-partner ni Sen.  Iba ang touch pag Bisaya.  Meron kasi kaming mga friends na Bisaya, naa-amuse ako kapag nag-uusap-usap sila.”

 

 

Umayon  naman agad si Sen. Bong sa recommendation ni misis.  “Saka marami kayong mga fans na makaka-relate diyan,” dagdag pa ni Lani.

 

 

Sina Beauty at Max Collins ang gaganap na legal wife at the other woman ni Tolome (Bong).  Kinukumbinse pa ni Sen. Bong na mag-guest si Cong. Lani sa sitcom na mapapanood na simula sa June 4 and every Sunday, 7:45 p.m., sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

    Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.   Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang […]

  • Womens’ volleyball team ng bansa nakalasap muli ng pagkatalo sa AVC Cup for Women

    NAKALASAP  muli ang national women’s volleyball team ng bansa laban sa China sa nagpapatuly AVC Cup for Women.     Sa simula ay nakipagsabayan pa ang mga manlalaro ng bansa subalit ginamit ng China ang kanilang tangkad.     Dahil dito ay nakuha ng China ang 25-16, 25-22 at 25-20 na panalo.     Pinangunahan […]

  • Philippine Charity Sweepstakes Office, nanindigang walang iregularidad sa pagkakapanalo ng higit 400 bettors

    TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na transparent at may integridad ang pagkakapanalo ng mahigit 400 na tumaya at nanalo sa 6/55 lotto.     Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang mga reaksiyon sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya na mayroong pare-parehong winning number combination.     Ayon kay PCSO General Manager […]