• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRIVATE SCHOOLS MAGSASARA SA TOTAL BAN NA “NO PERMIT, NO EXAM” POLICY

NANGANGAMBA ang Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA na maraming pribadong paaralan ang magsasara sa panukalang total ban sa “No permit, no exam policy.

 

 

Ayon kay COCOPEA spokesperson Atty. Kristine Carmina Manaog na maraming pribadong paaralan ang magsasara ng operasyon kapag naisabatas ang House Bill No.7584 at Senate Bill No.1359 o total ban ng ‘No Permit, No Exam Policy kaya ‘ isaalang-alang ng mga mambabatas ang  kapakanan ng mga private school at estudyante upang makamit ang dekalidad na edukasyon.

 

 

Tinukoy ni Manaog ang pinakabagong pag-aaral ng COCOPEA sa 27-pribadong paaralan na aabot  lamang sa hanggang pitong buwan ang pondo ng private school administrators upang mapatakbo ang kanilang mga paaralan.

 

 

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng COCOPEA na kapag naipatupad ito ay aabot na lamang ng 2-buwan ang pondo ng private schools upang maayos na mapatakbo ang kanilang mga paaralan.

 

 

“Sa long term nakakaapekto dahil hindi kaya, if walang regular na pumapasok na pera or funds sa private schools maapektuhan ang quality nito and eventually baka talagang magsara,”paglilinaw ni  Manaog sa Radio Veritas.

 

 

Tiniyak ni Manaog na kahit umiiral ang “No Permit, No Exam policy” ay nagbibigay pa rin ang mga private school ng pagkakataon sa mga estudyante na magbigay ng ‘promissory note’ upang pahintulutang makapagsulit.

 

 

“Yung talagang hindi pinapayagang hindi mag-exam na students is very rare and last resort nalang kung talagang very delinquent yung student or parents, but ‘yung kadalasang practice naman talaga is pinapag-exam or pinapayagang mag-exam basta may promissory note,” bahagi pa ng panayam kay Manaog. GENE ADSUARA

Other News
  • Miyembro ng “Andaya Criminal Group”, tiklo sa baril at granada sa Caloocan

    ISANG miyembro umano ng “Andaya Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor ng 43 Ovalleaf Maligaya street, Parkland Brgy., 177 ng lungsod. […]

  • P90 million na droga nasamsam ng PCG sa Sorsogon

    NASAMSAM ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P90 milyong halaga ng illegal na droga sa dalawang suspek sa Magnog Port, Sorsogon.   Ayon sa PCG, katumbas ng 18 kilo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek nitong Linggo.   Nagsagawa ng routine paneling inspection ang Coast Guard K9 Unit sa Sorsogon sa nasabing daungan at […]

  • Claudine, balak kasuhan si Jodi sa pakikipag-relasyon kay Raymart

    “THE height!”   ‘Yun talaga ang naging reaksiyon/litanya namin nang malaman namin na posible raw kasuhan din ni Claudine Barretto si Jodi Sta. Maria dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Raymart Santiago.   As in the height! Parang ayaw na naming patulan at bigyan pa ng paliwanag bakit the height na gagawin pa yun ni Claudine. […]