• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga pulis na kasama sa video ng P6.7-B anti-drugs ops, sasampahan ng kaso- Abalos

SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga police officers na kasama sa  video ng operasyon sa Maynila noong nakaraang taon kung saan P6.7 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam.

 

 

“In 10 days malalaman ninyo kung ilang mga pulis na kasama sa video ang fifile-an natin ng kaso ” ani Abalos.

 

 

Sinabi ni Abalos na lumikha siya ng isang task force na pangungunahan ni National Police Commission (NAPOLCOM) vice chairperson Alberto Bernardo para sa kasong ito.

 

 

Si Abalos ang chairperson ng  NAPOLCOM.

 

 

Matatandaang, sinibak sa hanay ng Philippine National Police si Police Staff Sgt. Rodolfo Mayo Jr., matapos masamsam ng mga otoridad ang nasa 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7-B sa loob ng isang lending firm sa Maynila na pag-aari nito.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean fajardo, tinanggal si Mayo sa serbisyo matapos aprubahan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) na alisin ang tiwaling pulis matapos mapatunayang guilty sa kasong Grave Misconduct at Unbecoming of an officer.

 

 

Dahil dito, hindi na maaaring maluklok sa anumang posisyon sa gobyerno si Mayo at wala nang makukuhang benepisyo mula sa pamahalaan.

 

 

Oktubre 8 noong nakaraang taon nang idawit nang isang nahuling drug suspect si Mayo na umano’y sangkot sa drug recycling at nagtatago ng mga iligal na droga sa opisina nito sa Sta.Cruz Maynila.

 

 

Matatandaang ginawaran pa ng “Meritorious Heroic Acts” ni former PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. si Mayo matapos ang matagumpay na isinagawang buy-bust operation nito sa Valenzuela noon ring nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • Smart tv, wall fan, ceiling fan, ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan sa mga pampublikong paaralan na elementarya at high school.     Kabilang sa mga elementarya na nakatanggap ng 55-inch smart TV at electric fan ay ang North Bay Boulevard North Elementary School, […]

  • CHERIE, ‘di pa rin malinaw ang rason kung bakit ‘di tinapos ang taping sa ‘Legal Wives’

    NAGING topic ang pag-alis ni Ms. Cherie Gil at hindi na niya tinapos ang last cycle ng GMA Network Primetime cultural drama na Legal Wives na nagtatampok sa kanya at kina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres, sa direksyon ni Zig Dulay.      Walang sinabing reason si Cherie bakit niya hindi tinapos ang serye, […]

  • Dalang baril ng lalaki buking nang masita sa yosi sa Caloocan

    BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 2, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong […]