• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bebot, 2 pang tulak timbog sa P100K shabu sa Navotas

TATLONG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa ilegal drug activities nina Adrian Jocson alyas “Jhey-Ar Baba”, 20, at Luz Clarita Brazas alyas “Luz”, 46, kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong ala-1:25 ng madaling araw sa Gov. Pascual St., Brgy. San Jose matapos bintahan ng P3,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang 11.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value na P78,880.00, buy bust money na isang P1,000 bill at dalawang P1,000 boodle money.

 

 

Bandang alas-12:40 naman ng madaling araw nang matimbog ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa E. Mariano St., Brgy. Tangos South si Henry Baltazar alyas “Boogie”, 49.

 

 

Nakuha sa kanya ang apat heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang Caloocan Police sa kanilang masigasig na kampanya para labanan ang nagpapakalat ng iligal na droga na nagresulta sa pagkakaarestop sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Danngerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

    Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at […]

  • ‘KILL SWITCH’ NG ISANG TNC, DAPAT IMBESTIGAHAN NG LTFRB –

    Nakatanggap ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng ilang sumbong buhat sa mga Transport Network Vehicle Serviceso TNVS providers laban sa isang Transport Network Company o TNC na may come-on na “Drive to Own”at “Kill Switch”program na pang-akit nila sa mga providers.       Talaga naman mae-enganyo ka sa scheme ng TNC na ito.  Ayon sa mga […]

  • Pagmamahal, Manahan ka Tuwina By: Cathy Padol

    Ikaw ba ay nagmamahal? Batid ko ikaw ay nagmamahal? Sa panahong ang mundo ay sadlak sa kawalan ng pag – asa, Sa panahong akala mo ikaw ay nilisan na ng pag – asa, Umasa ka! Bumangon ka! Yumabong ka! Iaahon ka ng pagmamahal.   Alam mo ba na ang pagmamahal ay pag – asa? Ang […]