P6B emergency loan, inilaan ng GSIS para sa maapektuhan ng bagyong Betty
- Published on May 31, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loan ngayong taon para sa mga miyembro at pensioners nito na maapektuhan ng kalamidad.
Ang anunsiyong ito ng ahensiya ay kasabay na rin ng pagpasok ng bagyong Betty sa Philippine area of responsibility.
Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, partiluar na inilaan ang naturang loan asistance para matulungan ang mga nangangailangang miyembro at pensioners nito sa kasagsagan ng kalamidad.
Paliwanag ng GSIS na maaaring makahiram ang mga miyembro at pensioners na may existing emergency loan balance ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang nagdaang emergency loan balance at maaaring makatanggap ng maximum net amount na P20,000 para sa bagong loan.
Habang ang mga miyembro at pensioners naman na walang existing emergency loan ay kwalipikadong mag-apply para sa loan na P20,000.
Ang naturang emergency loan mula sa GSIS ay mayroong 6% interest rate na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon. (Daris Jose)
-
Halos 400 PGH healthcare workers nahawa ng COVID-19 habang holidays
KASABAY ng pagsirit sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon ay ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na tinamaan din nito — ito habang humaharap din sila sa maraming pasyente araw-araw. Ito ang ibinahagi ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na si Jonas del […]
-
Dagdag na P1K social pension sa mahihirap na seniors, may pondo
TINIYAK ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na may pondo para sa P1,000 social pension ng may apat na milyong mahihirap na senior citizens sa bansa. Ito ay batay na rin sa kumpirmasyon sa kanila ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na nagsabing ang karagdagan P25.6 bilyon na kakailanganin para sa […]
-
P20M iginawad ng DOLE sa mga manggagawang impormal
MAHIGIT 800 na mga public utility vehicle (PUV) driver, solo parent, ambulant vendor, marginalized fisherfolk, person with disabilities, at iba pang vulnerable na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng P20 milyong tulong mula sa labor department. Iginawad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng DOLE sa mga […]