TUMAKAS NA SOUTH KOREAN SA DETENTION CELL, NAHULI NA, 2 PA NAARESTO
- Published on May 31, 2023
- by @peoplesbalita
NATAGPUAN ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City.
Ayon sa elemento ng BI intelligence division (ID) and fugitive search unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38, sa kanyang condominium unit sa N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police SMART, San Juan City Police Station Intelligence Branch, MIG 46 SIF, MFC-DI, NISG NCR, at d NBI-AOTCD.
Siya ang inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco.
Ayon sa report, si Kang ay tumakas matapos umanong um akyat sa may taas na 20 feet na perimeter ence na may barbed wire dakong alas-2:00 ng madaling araw noong May 21.
“He was limping when our agents arrested him,” ayon kay Tansingco. “We suspected that he could have been injured as it was a massive fall on a cemented road,” dagdag pa ng BI Chief.
Si Kang ay may arrest warrant na inisyu ng Seonsan Branch ng Daejeon District Court noong February sa kasong murder at abandonment of a dead body na isang paglabag sa Criminal Act ng Republika ng Korea.
Siya ay inaresto ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 nang dumating ito mula sa Bangkok.
Dalawa pang South Koreans ang inaresto na kinilalang si Lim Kyung Sup, 43, at Kim Mi Kyung, 39 dahil sa pagtatago kay Kang . Nalaman din na si King ay nahaharap ng kaso sa Korea.
Nahaharap din sa kaso ang tatlo nang nakunan ng 1 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P10.2M.
Bukod po dito, base sa database, si Kim at Lim ay overstaying na . GENE ADSUARA
-
1,450 TRAINEES NG COAST GUARD, NANUMPA
SABAYANG nanumpa sa Coast Guard Fleet Parade Ground ngayong araw ang 1,450 trainees ng Philippine Coast Guard (PCG). ” Thank you for choosing to be one with our noble cause.You have my respect” , mensahe ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu . Sa bilang na ito, 1,283 ang kalalakihan […]
-
NAVOTAS PATULOY ANG PAMIMIGAY NG RELIEF PACKS
PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mamamayan ng relief packs makaraang ibalik at pahabain pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Umabot na sa 15,501 mga pamilyang Navoteño ang nabigyan ng relief packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods […]
-
‘Paturok na kayo’: Marcos Jr. nagpa-COVID-19 booster in public, hinikayat mga Pinoy
Nagpaturok ng kanyang “booster shot” laban sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng media ngayong Miyerkules, ito habang hinihikayat ang publiko na kumuha ng karagdagang shots para mapanatili ang proteksyon sa nakamamatay na sakit. Ito mismo ang ginawa ni Bongbong sa gitna ng PinasLakas Vaccine Campaign ng Department of Health […]