• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,536 frontliners, inayudahan ng Makati government

Makakatanggap ng pamaskong groceries at wellness kits ang nasa  2,536 medical frontliners ng Ma-kati Health Department, Ospital ng Makati, at Incident Command Post (ICP).

 

Laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos.

 

Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay, ito ay isang paraan upang maipadama ng lungsod ang pagpupu-gay at taos-pusong pasasa-lamat sa lahat ng sakripisyo at kontribusyon ng medical frontliners sa epektibong pagtugon nito sa mga hamon ng pandemya.

 

Titiyakin naman na magiging ligtas at susundin ang health protocol sa pamamahagi ng wellness kits sa mga nasabing  tanggapan ng mga medical frontliners.

 

Bukod sa pagbibigay ng sapat na personal protect equipment (PPE), ha-zard pay, libreng shuttle services, bitamina, flu at pneumonia vaccine, at lib­reng mass testing para sa mga essential workers, ina­prubahan din ng  lungsod ang pagpapataas ng sahod ng mga nurses at pagkuha ng karagdagang medical workers sa Makati.

 

Samantala, upang tuluy-tuloy naman ang pagbibigay serbisyo sa Makatizens, bibigyan naman ng emergency kits o “Go Bag”  ang  nasa 8,000  mga regular at contractual employee ng Makati City government.

 

Sinisiguro ni Mayor Abby na handa laban sa sakuna ang mga frontliner at kawani ng lungsod lalo na sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng emergency kit for employees. Ang bawat kit ay naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa isang tao sa loob ng 72-oras matapos ang sakuna. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Sec. Roque, matapang na hinamon ng debate si VP Leni

    MATAPANG na hinamon ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Vice-President Leni Robredo ng isang debate.   Ang dahilan ni Sec Roque, isa rin kasi sa maingay si VP Leni sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).   Sinabi kasi ni VP Leni na magkakaroon sana ng magandang diskurso sa publiko kung natuloy ang debate sa […]

  • Jesus; Matthew 6:34

    Do not worry about tomorrow.

  • Pacquiao kay Magsayo ; ‘Welcome to the Club’

    NANGUNA si dating Filipino boxing champion at ngayon ay Senator Manny Pacquiao sa mga bumati kay WBC world featherweight champion Mark ‘Magnifico’ Magsayo.     Sa kanyang social media account, binati nito ang 26-anyos na si Magsayo at sinabing “Welcome to the Club”.     Dagdag pa ng senador na labis na ipinagmamalaki ng bansa […]