Gobyerno, hindi gagamitin ang pension funds bilang seed funds para sa Maharlika
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG BALAK at hindi kailanman naisip ng gobyerno na gamitin ang state pension funds bilang “seed fund” para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito ay ito’y “good investment.”
“Of course, ah no, I agree. We have no intention of using… kukuha tayo ng pera ng pension fund,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We will not use it as a seed fund. However, if a pension fund, which is what pension funds do, is they invest. If the pension fund decides that Maharlika fund is a good investment, it’s up to them if they want to invest in it,”dagdag na wika nito.
Kasunod ng marathon deliberations, inaprubahan naman ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng sovereign wealth fund.
Nakasaad sa batas na ang MIF ay nilikha sa pamamagitan ng pondo na huhugutin mula sa Land Bank of the Philippines (LBP): P50 bilyong piso; Development Bank of the Philippines (DBP): P25 bilyong piso at National Government: P50 bilyong piso.
Samantala, ang kontribusyon mula sa national government ay manggagaling naman mula sa “total declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National government’s share mula sa kinita ng PAGCOR, Properties, real and personal na i-dentify ng DOF-Privatization and Management Office at iba pang sources gaya ng royalties and/or special assessments.”
Kabilang naman sa major amendments na ipinakilala sa batas ay ang ganap na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) corporation, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) sa capitalization at investments sa Maharlika fund. (Daris Jose)
-
DepEd, bumuo ng Election Task Force
BUMUO ng Election Task Force (ETF) Operation at Monitoring Center ang Department of Education (DepEd) para sa darating na eleksyon. Ito ay upang gabayan ang mga public school teachers at personnel na na magseserbisyo para sa botohan sa Mayo 9. Ayon pa sa kagawaran, ang pagbuo ng ETF ay tutulong sa […]
-
Ads August 11, 2021
-
Ads May 31, 2023