• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR

DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.

 

 

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang pamamalakad ng mga offshore gaming sites nito.

 

 

Muli namang binalaan ni Tengco ang mga offshore gaming operator na lisensyado ng PAGCOR na iwasan ang anumang pagkakasangkot sa anumang criminal activities kung gusto ng mga itong mapanatili ang kanilang mga lisensya.

 

 

Binalaan din ng PAGCOR ang mga foreign  nationals kung saan pinag-iingat ang mga ito sa pagtanggap ng nakakasilaw na job offers sa bansa na ginagamit ng mga manloloko para sa human trafficking.

 

 

Ayon kay Tengco,  patuloy ang ginagawa ng koordinasyon ng PAGCOR sa mga partner government agencies nito para labanan ang mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa offshore gaming operations. GENE  ADSUARA

Other News
  • BILANG NG KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA HIGIT 11K NA

    PATULOY na nadaragdagan  ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City.   Sa huling datos ng Quezon City Health Department , umabot na sa 11,464 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.Ang nasabing mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay validated na ng QCESU at district health centers.Samantala sa […]

  • 12 nalambat sa drug ops sa Camanava, halos P1M shabu, nasamsam

    PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang District Drug Enforce Unit (DDEU-NPD) at Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities Police Stations sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkaaaresto sa 12 drug suspects at pagkakakumpiska sa halos P1 milyon halaga ng illegal na droga.     Alas-11:45 […]

  • Pagbalik ng ekonomiya sa pre-pandemic levels, ‘di pa rin sapat sa recovery ng bansa – NEDA

    MAS MARAMI pa ang kailangan at dapat gawin upang sa gayon magtuloy-tuloy ang economic growth ng Pilipinas kahit pa makabalik na ang bansa sa prepandemic form nito ngayong quarter, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).     Sinabi ni Socioecoomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon […]