Panukalang nagdedeklara sa national election day bilang holiday, pasado sa ikalawang pagbasa
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8187 na nagsusulong na gawing regular non-working holiday ang araw ng halalan upang ma-engganyo ang mas maraming botante na bumoto.
Sa ilalim ng panukala, kabilang sa “national elections” ang plebesito, referendums, people’s initiatives, at special elections.
Samantala, ipinasa din ng kamara sa ikalawang pagbasa ang HB 8269 o panukalang “Rights of Internally Displaced Persons (IDPs) Act,” na naglalayong isulong at protektahan ang karapatan ng mga non-combatant citizens.
Magaging mandato para sa estado na protektahan ang mga IDPs mula sa anumang uri ng diskriminasyon o persecution, at ipaprayoridad sa rehabilitation at reintegration sa sosyedad.
Kabilang din sa ilalaan ng estado sa mga IDPs ay ang probisyon at access sa basic necessities, ‘protection against criminal offenses and other unlawful acts, freedom of movement, recognition, issuance and replacement of documents, family unity, health and education, protection of their properties and possessions, and right to participation.’
Ang iba pang panukala na ipinasa sa ikalawang pagbasa ay ang 1) HB 7728, simplifying the procedure in the disposition of public agricultural lands; 2) HB 8327, restructuring the Philippine National Police; at 3) HB 8265, providing for the registration, regulation, and operation of cooperative banks.
Ipinasa rin ang House Resolution 1056, na inihain ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, para sa pagpapalakas ng mutual cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Korea sa pamamagitan ng Philippines-Korea Parliamentarians’ Friendship Association. (Ara Romero)
-
PAGLALAGAY NG GREEN LANE PARA SA MAG BAKUNADONG DAYUHAN, IPINANUKALA
SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na payagan ang mga fully vaccinated na mga dayuhan na pumasok sa bansa upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo at buksan ang hangganan ng bansa. Sinabi ni BI Commissioner Jame Morente na sinusuportahan nila ang paglalagay ng green lane para sa mga dayuhan na […]
-
1 John 4:18
There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.
-
3 BEST tankers itinanghal na MOS sa Tokyo
Tatlong miyembro ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang itinanghal na Most Outstanding Swimmers (MOS) sa kani-kaniyang dibisyon sa 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginanap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan. Nangunguna sa listahan si Kristian Yugo Cabana na nakalikom ng kabuuang 49 puntos para masungkit ang MOS award […]