QUIAPO CHURCH ISA NANG ARCHDIOCESAN SHRINE
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
INILAGAY na sa katayuan ng isang Archdiocesan Shrine ang parokya ni San Juan Bautista na karaniwang kilala bilang Simbahan ng Quiapo.
Ito ay matapos aprubahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang petisyon ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng parokya.
“We hereby decree that the Minor Basilica of the Black Nazarene – St John the Baptist Parish (Quiapo Church), be conferred the title of the Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene,” sabi ng Manila archbishop sa isang kautusan na may petsang Mayo 10.
“By this Decree of Erection, We likewise grant to the said Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene all the rights and privileges as embodied in the statutes which we also approve at the same time,” dagdag pa.
Inanunsyo nitong Miyerkules ang bagong katayuan ng Quiapo Church sa isang misa na pinangunahan ni Fr.Reginald Malicden, ang archdiocese’s vicar general.
Sa kanyang homily, binigyang-diin ng pari na ang deklarasyon sa simbahan bilang “archdiocesan shrine ay “long overdue”.
“But for us devotees, whether there is a formal declaration, or none is made, this church is a real shrine because here we feel the presence of God,” sabi ng pari.
Inaprubahan din ang merito sa petisyon sa pagsangguni sa komunidad ng Minor Basilica of the Black Nazarene — St. John the Baptist Parish (Quiapo Church) at ng Presbyteral Council.
Upang maging isang diocesan shrine ang isang simbahan, bukod sa iba pang mga kinakailangan, ay dapat na isang lugar ng makasaysayang kahalagahan, panalangin at pilgrimage para sa isang espesyal na dahilan ng kabanalan.
Ang parokya ay naghain ng petisyon na humihiling sa obispo na itaas ang simbahan.
Ang Quiapo Church ay naging tahanan ng imahe ng Black Nazarene na dinadagsa ng mga deboto tuwing Enero 9.
Noong 1987, itinaas ni St. John Paul II ang simbahan bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa papel nito sa pagpapalakas ng malalim na debosyon kay Hesukristo at ang kontribusyon nito sa kultura sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. GENE ADSUARA
-
Djokovic naging emosyonal sa paghaharap muli niya kay Nadal
NAGING emosyonal si Novak Djokovic ng talunin ang matagal na niyang karbal na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition game sa Saudi Arabia. Sinab ni Djokovic kay Nadal na dapat ay hindi muna niya iwan ang tennis. Dagdag pa nito na nais niyang makasama ito habang sila ay retireado […]
-
Sa rami ng pagsubok na dumating noong 2024: AI-AI, self-love and self-care ang wish ngayong 2025
SELF-LOVE and self-care ang wish ni Ai-Ai delas Alas sa pagpasok ng 2025. Sa rami raw ng pagsubok na dumating sa kanya nung 2024, gusto niyang magsimula ulit at gawin ang maraming bagay na hindi niya nagawa noon. “I love myself very much. Ang dami kong gustong gawin tulad nang sumayaw, mag-gym, magbasa ng libro. […]
-
Gilas Pilipinas sisimulan na ang puspusang ensayo sa Laguna
MAGSISIMULA na ngayong araw ang puspusang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa gaganaping ikalawang window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers. Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na mananatili muna ang mga Gilas Pilipinas sa kanilang training camp sa Calamba, Laguna. Dahil sa limitadong oras ng ensayo ay nagpasya ang mga ito na hindi muna […]