Kaligtasan ng pasahero, rider ¬titiyakin sa motorcycle taxis law
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
SISIGURUHIN umano na ligtas ang mga rider at mga pasahero bukod sa mananatiling mababa ang bilang ng mga naaksidente kapag nagkaroon ng batas na gagawing legal at magkokontrol sa motorcycle taxis sa bansa.
Sa naunang pagdinig ng Senate Committees on Public Services and Local, tumutok ang diskusyon sa training, skills at kaalaman ng mga rider sa paggamit ng motorsiklo para masigurong ligtas sila sa mga aksidente sa lansangan.
“We need to legalize to reflect the reality on the ground but we also need the highest safety standards to make this a true mobility alternative,” ayon kay Sen. Grace Poe, chair ng Senate committee on public services.
Sa ginanap din na pagdinig ay sinuring mabuti ang Angkas, JoyRide at Move it, ang mga kumpanyang pinayagang mag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program ng Department of Transportation, tungkol sa safety training na kanilang ibinibigay sa kanilang mga drayber.
Nababahala naman si Sen. Raffy Tulfo sa bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan ng Angkas, ang market leader na humahawak ng 30,000 slot sa 45,000 sa ilalim ng pilot program, kung saan may naitalang 7,500 aksidente noong 2022 lamang.
Ito ay dahil marami umanong natatanggap na reklamo si Tulfo na ang mga pasahero muna ang nagpapaluwal ng pera dahil ang hirap kausap ng mga nasabing kumpanya.
Nais din umano ni Tulfo na kapag may naaksidente na rider na may pasahero ay agad-agad pupunta ang nasabing kumpanya sa ospital at babayaran ang gastusin doon.
Ayon kay Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, sa Thailand, Vietnam at Indonesia kung saan sila nag-o-operate rin, gumagamit sila ng teknolohiya para ma-monitor ang ugali at driving skills ng kanilang mga drayber bukod pa sa kaligtasan at tamang pagsasanay ng mga Grab driver.
-
Nanghihinayang nang ‘di nasamahan… ANDREW, apektado sa pagpanaw ni RONALDO na tinuring na ring lolo
MARAMI ngang nagulat sa biglaang pagpanaw ng beterano at premyadong aktor na si Ronaldo Valdez, kaya nagluluksa na naman ang entertainment industry. Marami ring kapwa-artista ang may kanya-kanyang post na karamihan ay naging close at na-touch sa kabaitan ng aktor at isa si Andre Gan Calupitan na nakasama niya sa ‘2 Good 2 […]
-
Hirit ng grupo ng provincial bus, pinag-uusapan na ng IATF- Nograles
PINAG-UUSAPAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga piling ahensiya ng pamahalaan ang apela ng grupo ng provincial bus sa gobyerno na full operation sa Kapaskuhan. “Kumbaga, mag-uusap about the concern at issues po tungkol diyan. And sa lalong madaling panahon, hopefully, we’ll be able to come up with the program soon,” ayon […]
-
Contribution hike, sinimulan na ng SSS
SINIMULAN nang ipatupad ng Social Security System (SSS) ang probisyon ng RA 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro upang matiyak ang financial viability ng ahensiya para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, na […]