• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, tigdas-hangin, polio

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, tigdas-hangin at  polio.

 

 

Sa isang video na naka-upload sa kanyang official Facebook page, sinabi ng Pangulo na dapat na samantalahin ng mga magulang ang  Department of Health’s (DOH) month-long “Chikiting Ligtas” program na naglalayong protektahan ang kanilang mga anak mula sa  vaccine-preventable diseases.

 

 

“Bilang mga magulang, nasa atin ang responsibilidad na proteksyunan ang ating mga anak laban sa sakit. Hangad po nating magkaroon ng ligtas na kapaligiran at malusog na pangangatawan ng bawat batang Pilipino,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Kaya ngayong buwan ng Mayo, makiisa po tayo sa kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan laban sa tigdas, rubella at polio,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang nationwide Chikiting Ligtas 2023 ay naglalayong bakunahan ang 95% ng kabuuang populasyon na mga bata na ang edad ay mula  0 hanggang 59 buwang gulang laban sa polio at 9 hanggang 59 buwang gulang laban sa tigdas at tigdas-hangin.

 

 

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa  mga magulang na ang bakuna laban sa nakahahawang sakit ay “libre, ligtas at epektibo.”

 

 

“Libre, ligtas at epektibo ang mga bakunang ito kaya wala po kayong dapat ikabahala. Magtungo lamang po tayo sa pinakamalapit na health center o mga itinalagang vaccination site sa ating barangay ,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“Huwag po nating hayaang malagay sa panganib ang ating mga anak dahil sa tigdas, sa rubella, o sa polio. Tiyakin po nating mabakunahan ang mga kabataan sa ilalim ng ating Chikiting Ligtas program ,” dagdag na wika ng Panvulo.

 

 

Samantala, nasa pangalawang puwesto naman ang Pilipinas sa East Asia and the Pacific Region at pang-apat naman sa buong mundo pagdating sa mga bansang mayroong mataas na bilang ng mga bata na may zero vaccination doses sa pagitan ng  2019 at  2021, ayon sa data mula sa  United Nations International Children’s Emergency Fund.  (Daris Jose)

Other News
  • Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M

    Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams.     Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta.     Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia […]

  • SHARON, posible na isa sa surprise guest star para sa 6th anniversary ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, LORNA at ROSANNA, nagkabati na dahil sa serye

    EXCITED ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta sa chika na baka isa ang megastar sa surprise guest star for the 6th anniversary ng long-running action-serye na FPJ’s Ang Probinsyano.     Kalat na kalat sa social media ang chika na may isang big star na lalabas sa FPJAP at ang hula ng mga fans ni […]

  • PBBM conducts aerial inspection, relief distribution in Bulacan

    CITY OF MALOLOS – To further assess the situation of the Province of Bulacan following the onslaught of Typhoons Egay and Falcon, President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. conducted an aerial inspection over the province followed by a situational briefing in Balagtas Hall and disaster relief distribution for the affected Bulakenyos at The Pavilion in […]