• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P8 milyong suhol kada suspek ‘kathang isip’ – Teves

TINAWAG  ni suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na “kathang isip” ang umano’y P8 milyong alok sa bawat suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Go­vernor Roel Degamo para bawiin ang nauna nilang akusasyon laban sa mambabatas.

 

 

Sa video sa kanyang Facebook page nitong Sabado, sinabi ni Teves na hindi niya maunawaan kung saan nakuha ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla ang figure na P8 million.

 

 

“Hindi ko alam saan nakuha ‘yung 8 million na number eh. Bakit hindi 7, hindi 9, hindi 10 million? Baka pumasok sa isip niya na gamitin ‘yung number 8 dahil swerte? Doon mo makikita na mga kathang isip,” ani Teves.

 

 

Naunang sinabi ni Remulla na, batay sa intel report, inalok ng P8 million ang mga gunmen na dahilan ng kanilang pagbaliktad, na nagsimula umano nang mahuli noong Marso ang itinuturing co-mastermind ni Teves na si Marvin Miranda.

 

 

Giit ni Teves, nagsisinungaling ang Justice secretary.

 

 

“Kung ano-anong lumalabas sa utak mo, hindi naman totoo. At nasabi mo pa sa publiko. Anong istura mo ngayon? ‘Di sinunga­ling, ‘di ba? So, wala: king of sablay, fake news, sinungaling,” saad ni Teves.

 

 

Para sa biyuda ni Gov. Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, may batayan ang pahayag ni Remulla kaugnay ng paggamit ng pera ng mga Teves para suportahan ang mga akusado.

 

 

Hinala rin ni Degamo, may gumagastos para mabigyan ng magagaling na abogado ang mga gunmen.

 

 

“Money talaga ‘yung gagamitin nila to get what they want, just like how it was back here in Negros Oriental — they were able to silence everyone because of money and fear,” dagdag niya.

 

 

Sa kabila ng pagbaliktad ng testimonya ng mga gunmen, naniniwala si Degamo na nananatiling malakas ang kaso laban kay Teves dahil may mga matibay umanong ebidensya para mapanagot ang mambabatas.

 

 

“There are other evidence, pieces of [evidence] na nagre-rely kami doon kaya hindi po kami natitinag.” (Daris Jose)

Other News
  • SSS, may bagong retirement savings scheme sa mga miyembro

    INILUNSAD  ng Social Security System (SSS) ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus, ang pinakabagong retirement savings scheme para sa mga miyembro ng  SSS.     Sa press briefing, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na ang WISP Plus ay isang voluntary retirement savings program na eksklusibong laan para […]

  • Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers

    KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.     Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coli­seum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro. […]

  • Marijuana plantation, sinalakay ng NBI

    SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Marijuana plantation sa boundary ng La Union at Ilocos Sur sa pagpapaigting ng kampanya laban sa illegal drug trade sa bansa.     Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na katuwang ng ahensya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement […]