Del Carmen tigasin sa WNBL Draft Combine
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019 Finals Most Valuable Player na si Monique Allison del Carmen ang 54 pang ikalawang grupo ng mga aspirante na nagladlad ng kanilang talento sa ikalawa’t pinaleng ng araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 nitong Linggo, Disyembre 13 sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.
Kapansin-pansin din bukod kay Del Carmen ng six-peat University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball champion National University Lady Bulldogs, sina Gilas Women at dating University of the Philippines standout Fille Claudine Cainglet, na kapatid ng volleyball player na si Fille Saint Merced Cainglet-Cayetano, at iba pa.
Pribilehiyo ng mga point guard na ipakita ang kanilang husay maghapon sa pagdaan din sa kanilang liksi, bilis at lakas na kabilang sa basehan sa pagpili sa mga manlalaro na huhugutin naman sa unang draft din ng liga sa buwan ding ito.
Kabilang ang mga dumalo sa unang pangkat nitong Sabado, Dis. 12, nasa kabuuang 115 lady ballers ang bumahagi sa dalawang araw na okasyon para sa mga nangangarapna makapaglaro sa unang ligang propesyonal ng sport sa bansa sa papasok na taon. (REC)
-
Ads January 28, 2021
-
Suportado nina Ice, Lara at Martin: RYAN GALLAGHER, magtatanghal ng first major concert sa Manila
MAGHANDA para sa isang pasabog na concert ng The Voice USA season 19 Fan favorite na si Ryan Gallagher sa “The Voice of Ryan” na gaganapin sa Music Museum sa Pebrero 17, 2024. Kilala sa kanyang nakakaakit na classical voice, at sa nakakikilabot na pag-awit nya ng “The Prayer” ni Andrea Bocelli at Celine […]
-
Bulacan achieves Hall of Fame award for Local Revenue Generation
CITY OF MALOLOS- The consistent and exemplary performance of the Province of Bulacan in local revenue collection under the administration of Governor Daniel R. Fernando has once again been recognized as the Department of Finance (DOF)-Bureau of Local Government Finance (BLGF) conferred to the province the Hall of Fame award for Local Revenue Generation during […]