• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 70K trabaho, maaaring aplayan sa job fairs sa Araw ng Kalayaan, June 12 – DOLE

NASA mahigit 70,000 trabaho ang maaaring aplayan sa isasagawang job fairs sa iba’t ibang parte ng bansa sa mismong araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

 

 

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment (BLE) director Patrick Patriwirawan Jr., magsasagawa ng job fair ang pamahalaan sa 48 sites kasabay ng paggunita ng ika-125 Independence day.

 

 

Sa datos nitong Hunyo 6, ayon sa DOLE official mayroong 72,023 bakanteng trabaho na iaalok sa job fair mula sa 889 participating employers.

 

 

Ang mga top industries na magaalok ng trabaho ay sa business process outsourcing, manufacturing, retail and sales, construction, financial at insurance sectors.

 

 

Ang mga trabaho naman na maaaring applyan ay customer service representative, production worker, sales clerk, cashier, laborer, lineman, financial consultant at microfinance officer. (Daris Jose)

Other News
  • P50K multa ni Chot!

    May katapat na multa ang ginawang pagsugod at pagkompronta ni TNT Tropang Giga coach Chot Reyes sa technical committee at pagmumura matapos ang kanilang 92-94 kabiguan sa Magnolia sa 2022 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules.     Pinatawan si Reyes ng PBA Commissioner’s Office ng multang P50,000 dahil sa kanyang naging reaksyon sa officiating.   […]

  • Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

    NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.     Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.     Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.   […]

  • Del Monte Ave. to Fernando Poe, Jr. Avenue sa QC? Tama ba ‘to? Ano kaya ang sasabihin ni Da King tungkol dito?

    BIHIRANG bihira na magpanukala ng batas si Senator Lito Lapid kaya naman kapag mayroon ay mapupuna kaagad. Isa dito ang panukalang palitan ang pangalan ng makasaysayang Del Monte Avenue sa pangalan ng hari ng pelikulang Pilipino, Fernando Poe Jr. Marahil kung hindi ka taga San Francisco Del Monte, Quezon City, ay wa epek sayo ito […]