Pilipinas, kwalipikado na para sa visa-free travel sa Canada
- Published on June 9, 2023
- by @peoplesbalita
KWALIPIKADO na ang Pilipinas para sa visa-free travel program ng Canada.
Ito ay matapos na ianunsyo ng Canada ang 13 mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa mga napasama sa pagpapalawak pa nito ng kanilang visa-free travel program.
Ayon kay Canadian Minister for Immigration, Refugees and Citizenship Sean Fraser, ang naturang kautusan ay epektibong agad na ipapatupad.
Aniya, ang mga bisitang mayroong Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o ang mga kasalukuyang mayroong hawak na valid United States non-immigrant visa ay pahihintulutan na ring bumisita sa pamamagitan ng pag a-apply para sa electronic travel authorization.
Ito aniya ay nangangahulugan lamang na mas marami pang mga indbidwal mula sa Pilipinas ang maaari nang magtungo at makabisita sa kanilang bansa nang walang nararanasang hirap sa pagsasa-ayos ng mga requirements para magkaroon ng visa.
Kaugnay nito ay naniniwala din ang Canadian official na ito ay makakatulong din upang mapalaki pa ang travel, tourism, at economic benefits, gayundin ang pagpapatibay pa sa samahan ng Pilipinas at Canada. (Daris Jose)
-
NORA, laglag sa list ng ‘15 Greatest Movie Actresses in Leading Roles’ ng PEP
PAANO masasabing credible ang listahan ng greatest performances ng mga artista kung hindi kasali sa listahan si Nora Aunor? Naglabas ang PEP or Philippine Entertainment Portal ng listahan ng 15 Greatest Movie Actresses in Leading Roles for the last 20 years (2000 – 2020) pero wala si Ate Guy sa listahan, na kung […]
-
PCG, naka-heightened alert na para sa Undas 2024
NAKA- heightened alert na ang Philippine Coast Guard para sa Undas ngayong taon. Kaugnay nito, inatasan na ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng Coast Guard operating units para itaas ang alerto para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na magsisiuwian sa mga probinsiya para dalawin ang kanilang […]
-
Phil. Football Federatpom iniurong ang pagbubukas ng 2021 season
Nagdesisyon ang Philippine Football League (PFL) na buksan ang 2021 season sa Hulyo 17. Unang itinakda ang nasabing pagbubukas ng season mula Abril hanggang Mayo 2021 sa pamamagitan ng bubble format. Sinabi ni PFF president Mariano Araneta Jr na dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay minabuti nilang kanselahin ang Copa […]