SBP nagpaplano na para sa FIBA ACQ hosting
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
Simula na ang planning session ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa hosting ng bansa ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.
Nagsagawa na ang mga opisyales ng SBP ng ocular inspection sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga na posibleng pagdausan ng mga laro.
Binisita rin ng SBP ang Quest Hotel sa Clark, Pampanga na magiging official residence naman ng lahat ng delegadong darating para sa qualifers.
Kasama sa ocular sina SBP executive director Sonny Barrios, director of operations Butch Antonio, Gilas Pilipinas second window head Jong Uichico at Xander Gubat.
Ang naturang mga pasilidad ang parehong ginamit ng PBA para tapusin ang Season 45 Philippine Cup.
to rin ang gagamiting pattern ng SBP na sasamahan ng mga health protocols na ipinatupad sa bubble setup ng second window na ginanap sa Manama, Bahrain noong Nobyembre.
Maliban sa venue, tututukan din ng organizing committee ang mga protocols na ipinatutupad ng FIBA sa actual game gaya ng sanitation sa venue at equipment, puwestuhan ng mga coaches at players sa bench, at posisyon ng mga table officials.
Ilalatag din ang proseso sa swab testing, transportasyon mula airpot hanggang hotel, transportasyon mula hotel patungong venue, at iba pang importanteng bagay.
-
Ads July 30, 2021
-
Teaser pa lang ng first dual role, kahanga-hanga na: DINGDONG, tuloy sa lock-in taping at sa bahay pa rin si MARIAN sa pagtaas ng COVID cases
PARANG nakahihinayang na ilang Linggo lang mapapanood ang opening salvo sa primetime ng GMA-7 na I Can See You: AlterNate na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Ang galing ni Dingdong, teaser pa lang sa unang portrayal niya ng dual role bilang sina Michael at Nate. Parehong challenging ang characters […]
-
Paglaban sa pandemyang bitbit ng Covid-19 at paano makababawi mula rito, bibigyang diin ni PDu30
BINIGYANG diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pananaw nito sa pagsisikap na labanan ang coronavirus pandemic at kung paano makakabawi mula rito sa idinaos na virtual international conference kahapon Biyernes, Mayo 21. Ang Pangulo ay nagbigay ng kanyang talumpati sa 26th International Conference on the Future of Asia, o mas kilala bilang Nikkei […]