• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sunog sa Manila Central Post Office, dahil sa sumabog na baterya ng sasakyan

AKSIDENTE lamang umano ang sunog na tumupok sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila noong nakaraang buwan.

 

 

Ito ang naging resulta nang isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagsabing ang apoy ay nagmula sa sumabog na  baterya ng sasakyan na na-discharged at nag-init hanggang sa tuluyang magliyab at tumupok sa mga nakapaligid ditong combustible materials na nasa Mega Manila Sto­rage Room.

 

 

Anang BFP, kabilang sa mga gamit na naka-imbak sa naturang silid ay mga office supplies, thinner, at pintura.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ng BFP na itinuturing nila sa ngayong sarado na ang imbestigasyon sa sunog sa post office.

 

 

Sa kanyang panig, sinabi naman ni PHLPost Postmaster General Luis Carlos na tinatanggap nila ang resulta ng imbestigasyon ng BFP.

 

 

Sa ngayon aniya ay magpopokus na lamang sila sa recovery at rehabilitasyon ng nasunog na makasaysayang gusali.

 

 

Matatandaang Mayo 21 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa gusali.

 

 

Nagsimula ito sa basement at mabilis na tumupok sa buong gusali.

 

 

Inabot ng general alarm ang sunog bago tuluyang naapula matapos ang 31-oras.

 

 

Nasa 18 katao, na ka­ramihan ay nga bumbero, ang nasugatan dahil sa sunog.

 

 

Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 300 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

 

 

Dahil sa resultang ito, ikinukunsidera ng BFP na “case closed” na ang kaso sa pagkasunog ng 97-taong gulang na gusali. (Daris Jose)

Other News
  • Hiling ng NPC, hindi sinang-ayunan ni Bello

    Tinanggihan ng labor department ang hiling ng Philippine National Police (PNP) na gawing requirement ang pagkuha ng National Police Clearance (NPC) para sa anumang transaksiyon sa Department of Labor and Employment (DOLE).     Sa liham ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito kay PNP chief Debold Sinas na: “Bagama’t maganda ang intensiyon, ang […]

  • PH-US bilateral defense guidelines tugon sa mga hamon na ating kinakaharap – PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa.     Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na […]

  • Back-rider tigbak sa trailer truck, driver sugatan

    ISANG 51-anyos na back-rider ang namatay habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot si Ariel Macaraeg, machine operator, at residente ng 44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang kapitbahay na […]