• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapasalamat sa guidance ng aktor… RABIYA, kabadong-kabado kapag kaeksena si DINGDONG

FIRST time ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na gumawa ng isang drama series, ang murder mystery series na “Royal Blood” sa GMA Primetime, kaya kabadong-kabado siya lalo na kapag kaeksena niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.  

 

 

Sa story, gumaganap si Rabiya bilang si Tasha, ang kind-hearted neighbor ni Dingdong as Napoy na may secret feelings for him.  Siya ang nag-aalaga sa anak ni Napoy, si Lizzie played by a new child actress, si Sienna Stevens.

 

 

Kapag nahihirapan daw siyang i-execute ang eksena,  laging naroon si Dingdong to help her.

 

 

“Salamat sa guidance ni Kuya Dong kapag nahihirapan ako kung paano gawin ang eksena, naroon siya para tulungan ako,” kuwento ni Rabiya.

 

 

“Hindi nga ako makapaniwala na makakasama ako sa isang teleserye at makakatrabaho ang mga bigating artista ng GMA Network. It’s a dream come true for me, and I’m very thankful.”

 

 

                                                            *****

 

 

PLAYING a special and significant role sa “Royal Blood” si Tirso Cruz III as Gustavo Royales, the rich and shrewd business tycoon and patriarch of the Royales family.

 

 

Ang story ay iikot kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales.  Marami siyang anak na pare-parehong may interest sa yaman niya, pero ang mapagbibintangan ay si Napoy na bastardong anak ni Gustavo.

 

 

Sa mediacon, nagbiro si Pip na nagtataka siya kung bakit itinago sa kanya, sa kanila, kung sino ang papatay sa kanya, ganoong hindi naman daw magtatagal ang exposure niya sa serye.

 

 

Sa ngayon ay hindi pa tapos ang taping ng serye, kaya si Pip na rin ang nagsabing, “it give us, ang buong cast, para pagbutihin ng lahat ang pag-arte, para i-build up ang kani-kanilang character na ginagampanan.”

 

 

Sa story, ang gaganap na mga kapatid ni Napoy ay sina Mikael Daez, ang kanyang half-brother na asawa ni Megan Young.  Sister naman niya ang conservative but mysterious daughter ni Gustavo si Rhian Ramos, na asawa ang ambisyosong si Dion Ignacio.  Sister din ni Napoy ang witty at materialistic na si Lianne Valentin.

 

 

Sino kaya sa kanila ang papatay kay Gustavo?

 

 

Abangan ang world premiere ng “Royal Blood” sa June 19, 8:50 p.m. pagkatapos ng “Voltes V: Legacy” sa GMA-7  at 11:30 p.m. fom Monday to Thursday at 11 p.m. every Friday sa GTV.

 

 

                                                            *****

 

 

AFTER seven years na hindi napapanood sa small screen si Cesar Montano, ngayon ay muli siyang magbabalik, para sa television remake ng pelikulang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan”  na mapapanood naman sa TV5 simula sa July 10,  2023.

 

 

Nagsimula nang mag-taping si Cesar last May 18, kasama niya sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, kasama rin nila sina Lito Pimentel, Mickey Ferriols at Felix Roco.

 

 

Gagampanan naman ni Cesar ang role na dating ginampanan ni Eddie Garcia na ipinalabas noong November 7, 1983 na pinagbidahan naman noon nina Christopher de Leon at Vilma Santos.

 

 

Kamakailan ay napanood si Cesar sa “Martir or Murderer” ng Viva Films katambal si Ruffa Gutierrez.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Naghatid si Kianna Dy sa ikatlong sunod na panalo ng F2 Logistics

    Walang iniwang hamon na hindi sinagot si Kianna Dy nang ibigay ng F2 Logistics ang Creamline sa unang pagkatalo nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference noong Martes, Nob. 8, sa Smart Araneta Coliseum.   Ang 5-foot-10 Dy ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa 10 pag-atake, anim na block at dalawang ace […]

  • Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland

    Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.   Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0  noong Huwebes.   Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa  Sabado.   […]

  • FACESHIELD MANADATORY SA MGA KAWANI NG NAVOTAS

    IPINAG-UTOS ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng mga empleyado ng pribadong kumpanya pati na rin sa mga kawani ng local na pamahalaan.   Sinabing alkalde na maliban sa pagsusuot ng face mask, karagdagang safety measuresdin ang pagsusuot ng face shield, hindi lamang para sa […]