• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa mahinang internet connection: DIEGO, ‘di nasagot ang isyu tungkol sa pagiging bagong ama

WALANG nagtagumpay na mapasagot si Diego Loyzaga tungkol sa diumano’y pagkakaroon niya ng anak.
Kontrobersyal ang Instagram post ni Diego Loyzaga noong June 8 dahil nag-post siya ng larawan niya na may kalong na baby at ang caption niya sa kanyang IG post ay, “The best birthday gift ever.”
Birthday ni Diego, who turned twenty-eight, noong May 21.
At sa presscon ng ‘Will You Be My Ex?’ kung saan si Diego ang leading man ni Julia Barretto, as expected ay natanong  si Diego tungkol sa kanyang pagiging bagong ama.
Via Zoom dumalo si Diego sa mediacon dahil kasalukuyan siyang nasa Perth sa Australia habang ginaganap ang presscon nitong Linggo, June 11.
Si MJ Marfori ng TV5 ang naglakas-loob na magtanong kay Diego tungkol sa pagiging bagong ama nito, pero bago ang pasabog na tanong ay kinumusta muna ni MJ si Diego sa Australia.
“Nakatulog ka na ba o puyat na puyat ka? Kumusta?” ang tanong ni MJ sa aktor.
“I came back there mga April and we were supposed to have a presscon,” umpisang sagot ni Diego, “pero it didn’t push through ‘coz I’m back here again now.
“And then last night was a celebration for Philippine Independence Day so Happy Independence Day to everybody out there.
“And it was really a big celebration here in Perth. It was in a big hotel and I was part of it. Saya, we went out.
 “Aside from that, there are other reasons why lagi akong puyat lately, so these eyebags, pinaghirapan ko yan.
“I am doing good, thanks for asking. Nakatulog na ako.”
Dito na sumundot ng tanong si MJ kay Diego ng, “So you’re well-adjusted as a new dad?”
Pero dahil sa mabagal o mahinang internet connection ay hindi na nasagot ni Diego ang tanong ni MJ.
O baka nga dahil sa unstable ang internet connection ni Diego kaya nahirapan siya na marinig ang ilan mga tanong sa kanya.
Sinabi naman ng mediacon moderator na si Jean Kiley sa pagbabalik ni Diego sa Pilipinas ay marahil masasagot na nito ang mga katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay partikular ang tungkol sa sanggol na kalong niya sa larawan sa kanyang IG post.
Ipalalabas sa mga sinehan ang ‘Will You Be My Ex?’ sa June 21.
Ang pelikula ay sa direksyon ni Real Florido at mula sa produksyon ng Studio Viva, Firestarters Production at Viva Films.
***

HINDI nakisali sa uso ang Miss Manila 2023 beauty pageant dahil hindi pa rin sila tumanggap ng mga kandidatang may asawa, may anak, transgender at transsexual.

 

Kaya certified na natural-born women, single at walang anak ang dalawampung opisyal na kandidata ng Miss Manila 2023 na sina Jean Maxene Asay (Intramuros); Sheryl Ann Azucena (Ugbo Tondo); Bea Cecilio (Otis Pandacan); Shane Clamor (Zamora Pandacan); Hannah Therese Cruz (Sampaloc); Anna Carres de Mesa (Sta. Mesa); Leah Lei Gerosanib (Don Bosco Tondo); Charlynn Anne Icban (Blumentritt); Princess Keith Venus Lagata (Balut Tondo); Gabrielle Lantzer (Malate); Allaine Nuez (Punta Sta. Ana); Angela Okol (Paco); Karen Nicole Piccio (Pureza Sta. Mesa); Rethy Rosa (Maceda Sampaloc); Charmaine Salazar (Padre Faura); Juvyel Anne Saluta (Pandacan); Francine Tajanlangit (Roxas Boulevard); Julie Tarrayo (Sta. Cruz); Rycca Timog (Tayuman); at Ma. Theresa Villamor (Baseco Port Area).

 

Tulad ng alam na ng karamihan sa atin, sa bagong regulasyon ng ibang beauty agents tulad ng Miss Universe Philippines at Miss Universe ay puwede ng sumali kahit misis na, nanay na, o transexual at transgender.

 

Ayon sa paliwanag ni Kate Valenzuela, na head ng KreativDen Entertainment na isa sa major organizers/presenters ng Miss Manila 2023…

 

“Kasi hindi pa namin in-allow because yung Manila kasi maraming projects so we wanted… may mga naka-line up for Mrs. Manila, for Miss Gay, so apparently, naka-section kasi yung mga projects so siguro in the future we will consider that but… it was, ano kasi, it was parang, na-plan prior to yung ano, so we have to follow yung mga planned projects ng Tourism at tsaka ng local government ng Manila.

 

“So for the meantime, we stick with the Miss Manila, Mister Manila, Miss Gay, with that.”

 

Gaganapin sa June 23 alas siyete ng gabi sa Metropolitan Theater, at bongga ang host ng pageant, walang iba kundi si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

 

Magpe-perform naman sa pageant ang Power Diva at proud Manilenya na si Angeline Quinto na siya ring umawit ng Miss Manila theme song at ang rapper na si Kritiko at ang Filipino violinist na si Jo Bry Cimafranca.

 

Ang Miss Manila 2023 ay mula sa City of Manila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila sa pangunguna ni Tourism Director Charlie Dungo, KreativDen Entertainment, at co-presented naman ng Philippine Chinese Chambers of Commerce and Industry at ng San Miguel Corporation.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pagbabalik sa Abril-Mayo ng summer vacation, mas akma sa klima ng Pinas

    MAS MAKABUBUTI sa mga estudyante at guro kung ibabalik ng Abril hanggang Mayo ang summer vacation dala na rin ng sobrang init ng panahon.     Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, sa sobrang taas ng heat index ngayong panahon ng climate change ay hindi umano ligtas para […]

  • VICE PRESIDENT SARA, PINAPA-DISBAR

    KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nakatanggap sila ng isang anonymous letter para ipadisbar si Vice President Sara Duterte.     Sa isang press conference ngayong hapon ng SC, sinabi ni Atty.Camille Ting, ang tagapagsalita ng Korte Suprema na ang naturang sulat ay may petsang October 24 ngunit nitong ikalawang linggo ng Nobyembre lamang nila natanggap. […]

  • DOTr: Mga tollways hindi tataas ang fees

    Binalita ng Department of Transportation (DOTr) na wala munang mangyayaring pagtaas ng toll fees sa mga expressways dahil sa nararanasang pandemya sa ating bansa.     Binigyan ng kariguraduhan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mga motorista at mamayan na walang mangyayari pagtaas ng toll fees habang may pandemya.     “I am giving my […]