Gibo, nangako na bibigyan ng ‘best of care’ ang mga war veterans
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
DAPAT na bigyan ng tamang pangangalaga “to the best way possible” ang mga war veterans bilang tanda ng pasasalamat para sa kanilang serbisyo sa bansa.
“One of the essential tasks or jobs of the Secretary of National Defense is to ensure the welfare of our veterans. This is what the President [Ferdinand Marcos Jr.] continues to remind to me and I will strive hard to ensure that they get the best of care, particularly those who cannot care for themselves,” ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. matapos pangunahan ang ika-125 anibersaryo ng Philippine Independence Day, araw ng LUnes, Hunyo 12, sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion (Mausoleum of the Veterans of the Revolution), Manila North Cemetery.
Bilang pagbibigay galang at papuri sa mga bayani, tagapagtanggol at mga makabayan, nag-alay si Teodoro ng bulaklak sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion kung saan nakalibing ang mga pumanaw na revolutionaries noong panahon ng Philippine Revolution taong 1980s at the Philippine-American War noong 1890s hanggang sa unang bahagi ng 1900s.
Inihalintulad naman ni Teodoro ang kalayaan ng bansa sa isang puno o tao na kailangang patuloy na alagaan at pagyamanin.
“Kailangan, tuluy-tuloy ang pakikibaka, paggamit ng ating mga likas na regalo ng ating Panginoon sa atin, ang ating mga utak, ang ating mga katawan, ang ating pag-iisip, at ambisyon para tuluy-tuloy ang pagsulong ng Republika ng Pilipinas at maging malakas na bansa ito, maging bansa na talagang titingalain sa buong mundo. Iyan palagay ko ang kailangan din nating gunitain ngayon kaalinsabay ng sakripisyo ng ating mga bayani,” paliwanag ni Teodoro. (Daris Jose)
-
DPWH pinasalamatan ang PSC sa pagtulong ngayon coronavirus pandemic
Pinasalamatan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa pagtulong nito sa paglaban sa novel coronavirus pandemic sa bansa. Sa sulat ng DPWH sa PSC, labis ang pasasalamat nila sa pagpapahiram ng PSC ng kanilang pasilidad. Ginamit kasi ang ilang pasilidad ng PSC para gawing quarantine […]
-
Sa sobrang init: Mamalagi sa bahay – PAGASA
Dahil sa sobrang init ng panahon, hinikayat ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at mamalagi lamang sa loob ng tahanan dahil aabutin ng 38 degrees Celsius ang heat index. Ayon kay weather forecaster Chris Perez, nitong nagdaang linggo ay nakaranas ang Metro Manila ng maximum temperature na 34.8 degrees Celsius pero aabutin ang […]
-
Inatasan ang DBM na maglabas ng pondo
Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa mga kababayan natin na apektado ng pagsabog ng Bulkang Mayon ang tulong at suporta ng gobyerno sa kanila. Pinasisiguro din ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) ang kakailanganing budget para sa pagpapatuloy ng pagtugon ng pamahalaan sa pinakahuling aktibidad ng […]