COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.
Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.
Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.
389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.
Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20).
Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.
-
‘TWBU’, nasa number 3 spot ng Netflix PH: ALDEN, masaya sa sunud-sunud na tagumpay ng mga projects sa GMA
MASAYA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa sunud-sunod na tagumpay ng mga projects na ginawa niya sa GMA Network. Matapos mag-open last June 17 sa Netflix PH ang romantic-drama teleserye na The World Between Us, kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang good news ay nasa number 3 spot na sila sa Top 10 shows. […]
-
Ads September 24, 2024
-
Malakanyang, kumpiyansang makakabawi ang ekonomiya
KUMPIYANSA ang Malakanyang na makakabawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tatlong bagay ang kanilang pinanghahawakan para sa pagbawi kahit paano. Ito aniya ay ang pagkontrol sa virus para makapagbukas na ang mga negosyo, paggamit ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion at […]