• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang isa sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’: AI-AI, nagpakita ng suporta kay BETONG kaya sobrang na-touch

NAGPAKITA ng suporta si Ai-Ai Delas Alas kay Betong Sumaya, na isa sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”.

 

 

 

Isa raw kasi ang Kapuso comedian-TV host na mabait at may respeto sa mga katrabahong mas senior sa kanya.

 

 

 

Sa Instragram, nag-post ng mensahe si Ai-Ai tungkol sa kabutihan ng isang tao.

 

 

 

“Kindness is a gift everyone can afford to give,” saad sa naturang quote na may kalakip na caption para kay Betong.

 

 

 

Ayon sa Concert Comedy Queen, tila malungkot si Betong sa Tiktok post nito kaya pinayuhan niya ang kapwa niya komedyante na maging matibay at patuloy na magdasal.

 

 

 

“Mabait kang tao, marespeto sa senior sa ‘yo… isa ka sa mabait na artist na nakilala ko. Dasal lang at tibayan mo ang loob mo. pag nalulungkot ka isipin mo na lang ilang beses ba naten kakantahin ang in New York Rio Tokyo –or any other place you see, you feel that dancing fantasy na hindi tayo nag kakamali sa phrasing,” sey ni Ai-Ai.

 

 

 

Sumagot naman at nagpasalamat si Betong sa mensahe ng suporta mula kay Ai-Ai.

 

 

 

“Sobra naman akong na-touch sa post nyo. Ty po sa encouragement at support nyo. Natawa tuloy ako sa “New York, Rio, Tokyo” natin,” sey ni Betong.

 

 

 

Miss na raw ni Betong ang aktres at hangad niyang makatrabaho itong muli at makanta nila nang maayos at tama ang “New York, Rio, Tokyo.”

 

 

 

***

 

 

 

MASAYANG-MASAYA ang The Clash 2023 grand champion na si Rex Baculfo dahil sa pagpirma niya ng exclusive management contract with Sparkle GMA Artist Center.

 

 

 

Katuparan daw ito ng mga pangarap ni Rex na makapagsimula ulit pagkatapos ng mga naranasan niyang hirap bago siya manalo sa The Clash.

 

 

 

“Elated talaga, sobrang saya, sobrang looking forward for new beginnings po talaga ako. Kasi, first time na may mag-manage sa akin na sobrang laking management ang Sparkle. Kung meron silang ibibigay na project sa akin hindi ko sasayangin talagang gagawin ko ‘yong best ko,” sey ni Rex.

 

 

 

Naikuwento ni Rex na hindi niya natapos ang pag-aaral niya ng dentistry sa Australia dahil sa nangyaring pandemic. Pati raw ang pagtrabaho niya part-time sa isang restaurant doon ay nawala dahil nagsara ito during lockdown. Dahil nauso noon ang livestreaming, bumalik si Rex sa pagkanta na hindi niya pinapaalam sa kanyang mga magulang.

 

 

 

Kaya nang sumali siya sa The Clash, inisip nya na huli na itong pagkakataon na susuwayin nya ang gusto ng kanyang mga magulang.

 

 

 

“Kung walang mangyayari, ito na ‘yung last, The Clash na ‘yung last ko. Susundin ko na ‘yong parents ko after this. Magtatrabaho na ako at babalik ako sa Australia,” sey ni Rex na ngayon ay kakanta ng theme song ng bagong teleserye na pagbibidahan ng BarDa loveteam nila Barbie Forteza at David Licauco.

 

 

 

***

 

 

 

KASAMA si Miss World 2013 Megan Young sa malaking cast ng GMA teleserye na ‘Royal Blood’.

 

 

 

Huling teleserye ni Megan ay ang horror-drama na ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ in 2019. Noong magkaroon ng pandemic, tine-turn down ng actress-beauty queen ang mag-taping lalo na kapag lock-in taping ito na inaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan.

 

 

 

Ngayon at okey na ang lahat, tinanggap ni Megan ang mapasama sa ‘Royal Blood’ dahil kasama rin sa cast ay ang kanyang mister na si Mikael Daez.

 

 

 

“Noong unang in-offer ‘yung show sa amin, kaya namin actually tinanggap kasi we knew we were going to be together, and of course we’re going to work with such a grand cast.

 

 

 

“So the first time that they asked we said yes right away and we’re really excited na makaka-work namin ang isa’t isa ulit after ‘The Stepdaughters’ which we did in 2018 and 2023 na ulit magkasama na kami,” sey ni Megan.

 

 

 

Challenging daw ang role ni Megan bilang Diana dahil mysterious ito at hindi mo alam kung kakampi ba siya o kaaway.

 

 

 

“Ang puwede nilang abangan sa akin o sa karakter ko na si Diana ay kung paano niya itu-twist ang buhay ng iba pang makakasama niya rito sa pamilya niya, kay Napoy (Dingdong Dantes), sa buhay ni Napoy. So mabait ba talaga siya o may hidden agenda, hindi natin alam. Kahit ako hindi ko alam so aabangan ko rin.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Tokyo Olympics organizers tiwala pa rin na matutuloy ang mga laro sa Hulyo

    Tiwala pa rin ang organizers ng Tokyo Olympics na matutuloy pa rin ang mga laro kahit na nahaharap sila malaking pagsubok at ito ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.     Sa natitirang 99 araw bago ang July 23 Olympics ay positibo pa rin ang mga organizers na matutuloy ang mga events. […]

  • MRT-3, tiniyak na ‘di magtataas ng singil sa pasahe matapos ang 1-mo. free ride

    MULING  iginiit ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na hindi magkakaroon ng pagtaas sa singil sa pamasahe sa tren ang naturang railway pagkatapos ng isang buwang pagpapatupad ng libreng sakay dito.     Ipinahayag ito ni MRT-3 acting general manager Michael Capati na kasabay ng pagsasabing mananatili sa P13 hanggang P28 ang […]

  • Heat stroke at iba pang sakit sa tag-init, ibinabala ng DOH

    Mas pinaigting ng Department of Health (DOH) ang panawagan sa publiko na iwasang maglalabas ng bahay dahil sa bukod sa COVID-19, mapanganib rin ngayon ang mga sakit dulot ng matinding init kabilang na ang heat stroke.     Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng […]