PBBM, kumpiyansa na sapat ang budget para sa Mayon-affected residents
- Published on June 17, 2023
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSANG sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan para bigyan ng karagdagang suporta ang mga pamilyang apektado ng kamakailan lamang na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Sa isang ambush interview sa Taguig City, tinanong kasi si Pangulo Marcos kung may sapat na pondo para tulungan ang mga apektadong residente.
Naunang sinabi ng Albay government na nangangailangan ito ng P166.7 milyong piso mula sa national government para tiyakin na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong.
Sinabi ng Pangulo na inatasan na nito ang mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin at ipamahagi ng maayos at naaayon ang pondo.
“I think in terms of the actual na gastos na ano, palagay ko, alam ko naman may budget tayo diyan, pero ang instruction ko sa kanila, pag-aralan ninyo ng mabuti, hindi ‘yung basta kayo bigay nang bigay ng pera, kailangan tingnan ninyo ano ba ang problema para maayos natin kung ano ang problema nila,” ayon kay Pangulong Marcos.
Hindi naman idinetalye ni Pangulong Marcos kung saan huhugutin ang pondo.
Sa situational briefing, ipinaliwanag ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman na nangangailangan ang provincial government ng P196,711,000 para tulungan ang mga bakwit sa loob ng 90 araw.
Sa nasabing halaga, P156.71 milyong piso ang mapupunta sa relief services; P5 milyong piso para sa tubig at sanitation; P10 milyong piso para sa health emergency services; P10 milyong piso para sa temporary learning spaces; P5 milyong piso para sa livestock evacuation; P5 milyong piso para sa logistics; at P10 milyong piso para sa emergency assistance.
Winika pa ni Lagman na ang P30 milyong piso mula sa quick response fund ng lalawigan ay ginagamit na ng provincial government. (Daris Jose)
-
MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK
PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95 mula sa IATF na pinapayagan nila ang […]
-
Ads October 8, 2022
-
Sobrang nakaka-touch ang IG post: SYLVIA, ligtas na sa pagyayaya ni ARJO dahil kay MAINE
SOBRANG nakaka-touch ang latest post ni Sylvia Sanchez sa kanyang IG account na para sa kanyang soon to be daugther-in-law na si Maine Mendoza. Kasama ang isang short video habang nakasakay sa roller coaster si Cong. Arjo Atayde na sumisigaw habang natatawa at Maine na cool at kampante lang. Panimula ng premyadong aktres, “Watching […]