• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapatupad ng universal health care, isa sa “biggest projects” ni PBBM

ISA sa “biggest projects” ng administrasyong Marcos ang ipatupad ang Universal Health Care Act.

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa Koronadal City, South Cotabato, nang idaos ang paglulunsad ng Healthcare System and Referral Manual para sa lalawigan.

 

 

Ayon sa Pangulo, siya at ang bagong Health Secretary na si Teodoro Herbosa ay nagsimula nang masusing pag-aralan kung paano gagawin ang nationwide implementation ng batas gaya ng matagumpay na isinagawa sa South Cotabato.

 

 

Ang Universal Health Care Act ay tinintahan noong 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ang “full implementation” nito ay inaasahan na tatagal ng 10 taon.

 

 

“The Universal Health Care Act is simple. It’s saying everyone who’s a Filipino citizen should be supported  in buying medicines, consulting a doctor.. We should also help them in their hospitalization  and their treatment,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng tulong mula sa pamahalaan.

 

 

Kasama ng Pangulo si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na nag-abot ng P10,000 cash aid sa bawat isa sa 2,000 benepisaryo.

 

 

Samantala, tinulungan din ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang 619 benepisaryo sa ilalim ng Integrated Livelihood Program nito, umabot sa P13 milyon. (Daris Jose)

Other News
  • Kinapos ng budget ang movie na sinu-shoot sa New York: KC, nangangalampag sa followers na tulungan silang matapos ang ‘Asian Persuasion’

    NANGANGALAMPAG si KC Concepcion sa kanyang followers sa social media na tulungan sila na matapos ang pelikulang kinabibilangan niya na Asian Persuasion sa Amerika.       Sa kanyang post sa Instagram, pinaalam niya na kinapos ng budget ang production ng pelikula na sinu-shoot sa New York ng direktor na so Jhett Tolentino.     […]

  • SEC desidido nang ipasara Rappler Inc.; news outlet aapela

    DESIDIDO ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatupad ang 2018 decision nito na ipasara ang media company na Rappler Inc., bagay na pumutok ilang araw bago matapos ang termino ni President Rodrigo Duterte.     Kinatigan ng SEC ang nauna nitong utos, eksakto isang linggo matapos ibalitang ipina-block ng gobyerno sa sites ng news […]

  • MUSEO PAMBATA, MULING BUBUKSAN

    MATUTUNGHAYAN muli ang kauna-unahang children’s museum sa muling pagbubukas nito sa Biyernes ,Disyembre 6, ilang araw matapos ang pagdiriwang ng 30th anniversary nito.       Ang muling pagbubukas ng museum ay makaraang ipasara dalawang taon na ang nakalilipas o noong panahon ng pandemya at sumailalim din sa renovation.       Ibinahagi ni Museo […]