• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

June 28, idineklara ng Malakanyang bilang national holiday

INANUNSYO ng Malakanyang na national holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa  bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o  Feast of Sacrifice.

 

 

Ang Proclamation No. 258,  may petsang Hunyo 13, 2023 at nilagdaan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nagsasaad na “ang Eid’l Adha  ay isa sa “greatest feasts” ng Islam na ipinagdiriwang ng buong mundo.

 

 

“Following the 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 28 June 2023, Wednesday, be declared a national holiday, in observance of Eid’l Adha,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 9849  na  “Tenth day of Zhul Hijja, the Twelfth month of the Islamic Calendar, a national holiday for the observance of Eidul Adha (Eid’l Adha), with a movable date.”

 

 

Ang Eid’l Adha  ay ang panghuli sa dalawang kapistahang Islamiko na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon (ang isa naman ay Eid al-Fitr), at itinuturing bilang nakababanal sa dalawa. (Daris Jose)

Other News
  • Doon na magsi-celebrate ng mag-Pasko at Bagong Taon: Pambato ng ‘Pinas na si CELESTE, nasa US na bilang paghahanda sa ’71st Miss Universe’

    NASA US na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi para sa kanyang paghahanda sa 71st Miss Universe na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana.     Sa US na mag-Pasko at Bagong Taon si Celeste dahil sa magiging schedule of activities ng Miss Universe pagpasok ng January 2023.     […]

  • P10.5 bilyong budget ng Office of the President sa 2025 aprub agad sa loob ng 10 minuto

    HINDI umabot ng 10 minuto ang ginawang pag-apruba ng Senate Finance Subcommittee sa panukalang P10.5 bilyon budget ng Office of the President para sa 2025.     Humarap sa Finance Subcommittee na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe si Executive Secretary Lucas Bersamin.     Ang panukalang budget ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para […]

  • Israel, nasa Alert Level 2 na

    INILAGAY  na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 2 sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera doon. Ito ang inihayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega.     Sa ilalim ng Alert Level 2 o Restricted Phase, bawal na ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa duon.     Pero ayon kay de […]