• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon.

 

 

“I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi ang nagpaabot ng imbitasyon kay Pangulong Marcos nang mag-courtesy visit ang una sa huli sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na nais din niyang i-check ang situwasyon ng mga overseas Filipino workers sa nasabing bansa.

 

 

Tinuran pa nito na dapat na i-renew ang ugnayan ng Pilipinas sa  United Arab Emirates  upang patuloy na matiyak ang kapakanan ng mga manggagawang filipino roon.

 

 

“Beyond the conference of parties is that we also want to renew our ties with UAE, madaming Pilipino doon, kaya’t kailangan makatiyak tayo na patuloy ang kanilang magandang pagtrato sa ating mga kababayan sa UAE,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

They have been very welcoming, they have treated our people very well. Yhey have protected them, and they have allowed them to make a living in the UAE so that’s something that we hope to continue and even progress further,” aniya pa rin.

 

 

Ang COP ay supreme decision-making body ng  Convention na inatasan na rebisahin at suriin ang “national communications at emission inventories” na isinumite ng mga partido. (Daris Jose)

Other News
  • Handog ng Globe para sa kabataang Pinoy: BINI at SunKissed Lola, pangungunahan ang ‘G FEST 2024’

    ANG Globe ay naghahanda upang bigyang-inspirasyon ang mga kabataang Pilipino sa G FEST 2024, na isang electrifying three-leg event sa Manila, Iloilo, at Davao na pinaghalong musika at pagkamalikhain upang magbigay ng inspirasyon sa lakas ng loob at magpakawala ng pagpapahayag ng sarili.     Ang G FEST ngayong taon, bahagi ng taunang pagdiriwang ng […]

  • Angelina Jolie Reveals Turning Down A Big Superhero Role Before Joining ‘Eternals’

    ANGELINA Jolie reveals that she turned down a big superhero film before signing up to star in Eternals.     Marvel Studios’ next blockbuster will introduce a whole new team of superheroes who have been on Earth for thousands of years. Directed by Academy Award-winning filmmaker Chloé Zhao, the film boasts a star-studded cast, including Jolie, […]

  • 27 na manggagawa sa online gaming dineport

    INANUNSYO ng Bureau of  Immigration (BI) ang pagpapa-deport sa unang  batch  ng Chinese national  na  dating inaresto  dahil sa illegal na pagtatrabaho sa bansa. May kabuuan na 27 na mga Chinese national  ay pina-deport sakay ng  Philippine Airlines biyeheng  Shanghai, China. Nabatid na dapat ay 38 na dayuhan ang dapat na ipa-deport  subalit anim sa […]