• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis

MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak.

 

“Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan.

 

“Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga.

 

“Kung meron, meron. Let’s see what life brings.”

 

Iaanunsiyo naman nila siguro kapag nagdadalang-tao na si Megan.

 

“Malay mo? Hindi niyo alam biglang malaki na pala yung tiyan ko,” at tumawa si Megan.

 

“Go with the flow naman kami.”

 

Samantala, gaganap si Megan sa ‘Royal Blood’ bilang Diana at si Mikael bilang si Kristoff.

 

Mapapanood ang teleserye simula June 19 weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.

 

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, nasa ‘Royal Blood’ sina Rabiya Mateo (bilang Tasha), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

 

 

Kasama rin sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), Arthur Solinap (bilang Emil), ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

 

 

***

 

 

TUNGKOL sa multo at “multo ng nakaraan” ang pelikulang ‘The Revelation’ kaya tinanong namin ang lead actress ng pelikula na si Ana Jalandoni kung nakakita na ba siya ng multo sa tunay na buhay.

 

 

“Opo! Sa bahay ko mismo, sa Cavite. Meron, guy,” bulalas ni Ana.

 

 

 

Maraming beses raw nagpakita kay Ana ang lalaking multo.

 

 

 

“Umalis lang siya noong… nawala lang siya nung nagpa-bless ako [ng bahay] ng tatlong beses.”

 

 

 

Hindi na raw inalam ni Ana kung sino o ano ang background ng naturang multo.

 

 

 

“Meron pang bata, nakikita kapag madaling-araw. Second floor na may bata naglalaro sa hagdanan. Nawala na din.”

 

 

 

Doon pa rin nakatira si Ana pero wala nang nagpapakita.

 

 

Pagpapatuloy pa ng seksing aktres…

 

 

“Dati kasi bungalow siya, pinagiba ko, nilagyan ng second floor, so hindi ko masasabi kung ano’ng nangyari doon.”

 

 

 

May twist sa kuwento ng ‘The Revelation’, kung totong multo nga ba ang makikita o bunga lamang ang lahat ng mental anxiety at depression ng mga karakter sa pelikula.

 

 

 

Gaganap bilang si Gwen si Ana sa ‘The Revelation’ kung saan kasama niya sina Aljur Abrenica (bilang Lance), Vin Abrenica (bilang Vincent) at Jelai Andres (bilang Alex).

 

 

 

Sa panulat ni Joyzel Dulay at sa direksyon ni Ray An Dulay.

 

 

 

Mula ito sa House of Prime Films at Hand Held Entertainment Productions ni Kate Javier at ipapalabas sa mga sinehan ngayong Hunyo 21.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Gobyerno, dapat na magbigay ng insentibo para makaakit ng e-vehicle investors—PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangan na magbigay ng insentibo kung nais ng Pilipinas na makaakit ng mas maraming investors sa e-mobility industry ng bansa.   Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Oct. 22, kung saan nakapulong ng Pangulo ang mga opisyal ng Department […]

  • New Posters Unveiled: ‘Fly Me to the Moon’ Set to Illuminate Cinemas in July 2024

    “Fly Me to the Moon,” featuring the dynamic duo Scarlett Johansson and Channing Tatum, is slated for a grand cinematic release in July 2024. This comedy-drama, directed by the acclaimed Greg Berlanti, combines wit, style, and high stakes in an unforgettable journey alongside NASA’s historic Apollo 11 moon mission.         Johansson stars […]

  • First time producer at sa pag-play ng Filipino role: LEA, magbabalik sa Broadway stage para sa “Here Lies Love”

    “PAMBANSANG Ginoo” at ngayon tinawag na ring “Man of the Hour” si David Licauco, matapos niyang gawin ang “Maria Clara at Ibarra” with Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo at nagkasunud-sunod ang mga endorsements niya.      Nanibago ba siya?     “Honestly, it’s a bit overwhelming  for me kasi, I would […]