DALAGA TIMBOG SA P353K SHABU
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Balik-kulungan ang isang 21-anyos na dalaga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Lyza Andrade, (watchlisted), dating naaresto noong July 29, 2019 at nakalaya noong August 2019 matapos makapagpiyansa RTC Branch 123, Caloocan City sa paglabag sa R.A. 9165.
Alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Giovanni Hycenth Caliao sa harap ng No. 45, Libis Talisay Dulo, Brgy. 12.
Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa suspek ng P6,000 halaga ng shabu.
Matapos iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng marked money ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.
Narekober sa suspek ang aabot sa 52 gramo ng shabu na tinatayang nasa P353,000.00 ang halaga, at buy-bust money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at 5 piraso P1,000 boodle money. (Richard Mesa)
-
Ads July 22, 2024
-
IAN, ‘happily married’ kaya pikon na pikon sa tsikang hiwalay na dahil kay SUE
FOR the first time, sumagot na si Ian Veneracion sa kumalat na balitang hiwalay na sila ng asawang si Pam Gallardo Last 27 January, may cryptic post ang aktor sa kanyang Instagram account ng, “I don’t want to normalise people exploiting our personal lives for their entertainment. “I don’t need to […]
-
Cardinal Tagle, tuluyan nang gumaling sa COVID-19
GUMALING na mula sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle. Ayon kay Pontificio Collegio Filipino (PCF) Rector Fr. Gregory Gaston, ang paggaling ni Tagle mula sa coronavirus ay isang magandang balita sa buong simbahan. Nais aniya ng Diyos na ipagpatuloy ni Tagle ang kaniyang misyon sa simbahan. Una rito, nagpositibo sa COVID-19 ang […]