• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 39K katao apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon

AABOT sa halos 39,000 katao ang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon.

 

 

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 20,000 residente ang kasalukuyang nasa 28 evacuation centers sa Albay simula pa nang magpakita ng paggalaw ang Mayon.

 

 

Nasa anim na lungsod at bayan ang nagdeklara ng suspensiyon ng kanilang mga klase.

 

 

Nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente na umaabot  sa P62 milyon.

 

 

Una na ring sinabi ng Phivolcs na tatagal pa ng ilang buwan ang pag-aalboroto ng Mayon na ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 3.

Other News
  • PBBM nagdagdag ng special nonworking day, 2 holidays sa taong 2023 para sa ‘holiday economics’

    NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.     Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]

  • Gobyerno, hindi gumastos ng public funds sa fashion show sa Malakanyang

    WALANG ‘public funds’ na ginamit sa fashion show sa Malakanyang.     Umani kasi ng kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa netizens ang fashion show ng designer na si Michael Leyva na ginanap sa Goldenberg Mansion sa Malacañang complex, dahil sa sinasabing tila  pinag-aksayahan ng pera ang nasabing fashion show.     “The  government does not […]

  • Tourism industry tuluyan ng bumabalik ang sigla – DoT

    MALAKI ang tiwala ng Department of Tourism (DOT) na tuluyan ng babalik ang sigla ng turismo sa bansa.     Ito ay matapos na magtala nasa 1.7 milyon na international arrivals sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon.     Sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, na ang nasabing bilang ay mas mataas […]