• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nurses sa Pinas mauubos na – DOH

MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo.

 

 

“I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a few more years, I don’t know how many but I think it can be counted by the fingers of one hand. In a few years, if we don’t do anything, maubusan tayo ng nurses,” ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.

 

 

Sa record ng DOH, mayroong 44,602 doktor at 178,629 nurses ang nagtatrabaho sa Pilipinas. Malayo ito sa datos ng Professional Regulatory Commission na nagsasaad na mayroong 95,000 lisensyadong doktor at 509,000 lisensyadong nurses ang bansa.

 

 

Inamin naman ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI), na 40-50% ng kanilang mga nurses ang nag-resign sa loob ng nakalipas na dalawang taon para mangibang bansa.

 

 

Ito umano ang dahilan kung bakit bukas siya sa pagbibigay ng pansamantalang lisensya sa mga nurses na hindi pa nakakapasa sa board exams o kaya naman ay hindi pumasa sa unang pagsubok.

 

 

Sinabi ni Herbosa na sa kasalukuyan, nasa 4,500 plantilla position para sa mga nurses sa 70 pampublikong ospital sa buong bansa ang bukas. (Gene Adsuara)

Other News
  • Lao, nasa Pinas pa- Sec. Roque

    WALANG indikasyon na wala na sa Pilipinas si dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao ng Department of Budget and Management (DBM), na nasa ilalim ngayon ng Senate probe ukol sa bilyong halaga na binili di umano ng gobyerno na COVID-19 pandemic supplies mula sa maliit na kumpanya.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry […]

  • Pilipinas, maaaring makamit ang ‘upper middle-income status’ sa 2025

    INIHAYAG ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na malamang na maabot ng Pilipinas ang target nitong maging upper middle-income economy sa 2025.     Sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hinahanap ng kanyang administrasyon na dalhin ang Pilipinas sa “upper-middle income status by 2024” […]

  • RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan

    MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada.   Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Kalahok din […]