• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ilalagay sa tamang lugar ang ‘structural changes’ sa DA bago bumaba bilang Kalihim

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  ilalagay muna niya sa tamang lugar ang “structural changes” sa Department of Agriculture (DA) bago pa bumaba bilang Kalihim ng departamento.

 

 

Ito’y upang matiyak ang food security sa bansa.

 

 

Sa isang panayam matapos ang formal turnover ceremony, idinaos sa Valenzuela City, ng 20,000 metriko tonelada ng urea fertilizers na dinonate ng Chinese government sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na simula nang maupo siya bilang Kalihim ng DA, nakagawa at nakapaglagay na siya ng ilang substantial changes para tugunan ang mga isyu sa sektor ng agrikultura.

 

 

“You know, the truth of the matter is…we have really managed to make some very important structural changes in the Department of Agriculture. So iniisa-isa natin ‘yan. The problem had been during the beginning of this year ay naging crisis lahat ng food supply, food prices, lahat fertilizer prices, et cetera. Kaya napakalaking bagay nitong donation na binigay sa atin ng China,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ayon sa Chief Executive, iniisip na niya ang agriculture department na magkaroon ng episyente o mabisang sistema para masiguro ang food security bago bumaba sa puwesto bilang Kalihim ng departamento.

 

 

“Kaya’t ang aking hangarin para sa DA ay pag iniwanan ko ang DA by that time, we will have systems in place so that we can guarantee the food supply of the Philippines, number 1; we can guarantee that the prices are affordable; and, number 3, that our farmers make a good living,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Hangga’t matapos natin ‘yun, I suppose you will just have to put up with me as DA Secretary,”dagdag na wika nito.

 

 

Bilang kasalukuyang Kalihim ng DA, inilagay na niya sa tamang lugar ang emergency measures para suportahan at tulungan ang mga magsasaka.

 

 

“Ngayon, more or less, the prices of the agricultural commodities are beginning to stabilize. Now, we are going to make the structural changes that are important to increase production, number 1; to ensure the food supply of the Philippines, not only rice, but also corn, also fisheries, and livestock,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So ‘yan ang ating mga ginagawa ngayon para naman hindi na tayo umabot sa krisis na sitwasyon kagaya ng nadatnan natin after the pandemic,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • 2 tulak timbog sa P340-K shabu

    DALAWANG tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bagets ang arestado matapos makuhanan ng nasa P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Kinilala ni Caloocan City Po- lice Chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Alcar Dugay, 20 ng Gonzales St. Brgy. 69 at […]

  • ‘Hazard pay’ ng health workers ‘di pa naibibigay

    Aminado ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi pa nailalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang ‘hazard pay’ ng mga health workers para sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.     Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kasalukuyang pinoproseso pa nila sa DBM ang pagpapalabas ng ‘hazard […]

  • CHLOE at MARCO, walang takot na pinasilip ang kanilang ‘private parts’ sa matitinding eksena sa ‘Silab’

    KASAMA kami sa mga press people na invited sa special preview ng Silab, ang maiden offering ng 3:16 Productions, na ginanap noong Sabado ng gabi.     Kasabay namin nanood sa preview si Marco Paulo Gomez, one of the lead stars of the movie. First time lang din niya na mapapanood ang obrang sinulat ni […]