• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA BARANGAY, SK AT IBA PA, HINIHIKAYAT NA LUMAHOK SA KAUNA-UNAHANG QUEZON CITY GREEN AWARDS

NANANAWAGAN ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga barangay, Sanguniang Kabataan, Youth-Based Organization at mga negosyo na lumahok sa kauna-unahang Quezon City Green Awards at ipamalas ang kanilang best practices para sa disaster resiliency and sustainability.

 

 

Layunin ng Quezon City Green Awards na kilalanin at bigyan ng insentibo ang grupong may katangi-tangi at inclusive na disaster risk reduction and management at climate action. Matatandaang inilunsad noong isang buwan ang Quezon City Green Awards.

 

 

Ayon  kay Mayor Joy Belmonte, ang mga idea patungkol sa disaster preparedness ay maaring makatulong sa LGU upang makapag develop pa ng mas magandang programa. Ang mga inisyatiba at solusyon para sa epekto ng climate change ay dapat na nakasentro sa mga mamamayan at tumutugon sa mga hamong kinahaharap ng mga komunidad.

 

 

Mayroong tatlong kategorya ang parangal na nabanggit, Green Award, Resiliency Award at Green and Resilient Champion.

 

 

Ang mga interesadong lumahok ay maaring magparehistro online sa greenawards.quezincity.gov.ph. hanggang sa July 15, 2023

 

 

Ang lahat ng entries ay sasailalim sa masusing assessment at field validation at kailangang ipresinta sa mga hurado ang kanilang programa.

 

 

Sumatotal ay maroong 16 organisasyon at institution ang pararangalan sa Oktubre. Makatatanggap sila ng tropeyo at cash grant na magagamit nila para sa kanilang mga programa at proyekto. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Bilang ng ‘unemployed’ sa PH, dumami pa; higit 3-M na – PSA

    Lalo pang dumami ang bilang ng mga unemployed o walang trabaho na Pilipino noong Oktubre.     Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na ito sa 3.5 million na mas mataas kompara sa 3.07 million na naitala noon lamang Hulyo 2021, pero mas mababa naman kaysa 3.81 million na napaulat noong Okutubre 2020.   […]

  • LTFRB, nilinaw na walang katotohanan na phase out na ang traditional jeepney

    NILINAW ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi totoong aalisin ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeepney sa mga darating na buwan.     Ngunit, nagpapatuloy ang planong gawing moderno ang pampublikong sasakyan.     Nababahala ang mga driver na hindi na ipagpatuloy ang mga jeepney kapag lumipat ang mga lugar sa […]

  • Saso tumapos na ika-6, grinasyahan ng P2.5M

    WINAKASAN ni Yuka Saso ang laban sa pinalong two-under par 70 para 269 total upang humilera sa apat na magkakatabla sa ikaanim na puwesto kalakip ang $54,848 (P2.5M) bawat isa sa katatapos na 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 6th leg – $2M 10th Lotte Championship sa Kapolei Golf Club sa Hawaii.   […]