• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIFE HACK 101: ANG PINAKAMALUPIT NA SIKRETO UPANG IKAW AY YUMAMAN AT UMUNLAD SA BUHAY, ISA-ISAHIN!

Alam ba ninyo na anumang simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay nagdidikta ng uri ng kapalaran at pamumuhay na magkakaroon tayo?

 

Ang simpleng pagliligpit lamang ng higaan sa umaga ay magsasabi na kung ikaw ay magiging matagumpay sa buhay. Oo. Dito mo masasabi kung ikaw ay nakatadhanang umasenso o hindi. Ang pagliligpit ng hinigaan pagkagising sa umaga ay simbolo ng pagiging masinop, maingat, at organisado. Kung iniiwan mo ang iyong higaan na magulo, asahan mo na magiging magulo rin ang takbo ng buhay mo. Ang magulong higaan ay simbolo ng magulong kaisipan na nagbubunsod ng kahirapan, kalituhan at kawalang kaayusan sa buhay.

 

Ang taong marunong magpahalaga sa mga bagay na mayroon siya ay tanda ng mataas na antas ng kaisipan.

 

Naalala ko ang isang matandang kasabihan na huwag na huwag raw gagawing basahan ang ating damit kahit gaano pa ito kaluma. Ayon sa matatanda, kapag raw ginagawa mong basahan ang iyong damit, para na rin daw binabalewala mo ang iyong pagkatao dahil inihalintulad mo ito sa basahan. Tama nga naman. Ang mga bagay ay ginawa para sa kanilang specific purpose. Ang damit ay ginawa para suotin. Ang basahan ay ginawa para panlinis. Kahit gaano pa raw kaluma ang iyong damit, bigyan mo ito ng kaukulang respeto sapagkat minsan ay isinuot mo ito at naging repleksiyon ng iyong pagkatao. Kung may luma kang damit at talagang hindi na maaaring i-donate dahil sira na, sa halip na itong basahan ay ibaon mo na lamang ito sa lupa. Ang ginagawa ko, hindi ko na hinihintay na maluma ang akign mga damit sa aparador. Kapag alam ko naman na hindi ko na ito magagamit dahil sawa na ako o kaya hindi na kasya sa akin, sa halip na lumain ko lamang siya sa aparador ay idino-donate ko na lang. Hindi ko ginagawang basahan ang damit ko dahil tinatandaan ko ang aral na aking natutuhan. Ang damit mo ay ikaw. Kaya kapag ginawa mo itong basahan, tiyak na magiging basahan din ang buhay mo.

 

Isa pa sa natutuhan ko ay ang maging presentable sa lahat ng pagkakataon. Ayon sa matandang kasabihan, kahit raw nasa bahay ka lang ay dapat maaayos ang iyong kasuotan. Huwag kang magsusuot ng sira-sira o butas-butas na damit sapagkat ito ay simbolo ng kahirapan. May katotohan sa kasabihang ito sapagkat alinsunod sa Law of Attraction, BE WHOEVER YOU WANT TO BE. Sino ba ang hindi nagnanais na maging maayos at maalwan ang buhay? Upang guminhawa ang buhay, i-set mo ang iyong isipan na ikaw ay maginhawa. I-manifest o i-reflect mo sa iyong sarili na ikaw ay maginhawa. Kung ikaw ay laging maayos–nakasuklay, naka-damit ng malinis at presentable–makatutulong ito upang ma-reprogram mo ang iyong utak na maging positibo. Kung ikaw ay nanhihilamid, marumi, at hindi presentable, parang ipinapakita mo sa mundo na ikaw ay problemado at iretable. Sabi nga ng Singaporean socialite at multi-millionaire na si JAIME CHUA, responsiblidad nating ayusin ang ating sarili sapagkat ito ay nakaka-inspire ng positibong pananaw at kompiyansa sa sarili. Kung ikaw ay masaya sa iyong sarili, ikaw ay makagagawa ng mga produktibong bagay.

 

Kaya mahalaga na maging maingat tayo sa mga bagay na ating ginagawa sapagkat ito ay nagiging repleksiyon ng ating pagkatao. Kahit ang mga simpleng kilos at gawi natin ay may malaking impact sa ating pagkatao.

 

Ayon sa great philosopher na si Lao Tzu:

 

WATCH YOUR THOUGHTS; THEY BECOME WORDS.

 

WATCH YOUR WORDS; THEY BECOME ACTIONS.

 

WATCH YOUR ACTIONS; THEY BECOME HABITS.

 

WATCH YOUR HABITS; THEY BECOME YOUR CHARACTER.

 

WATCH YOUR CHARACTER; IT BECOMES YOUR DESTINY.

 

Ang LAW OF ATTRACTION ay bahagi ng ating buhay sa pang-araw-araw. Kaya ingat sa gusto mong i-attract sa iyong buhay! (Rey de Leon)

Other News
  • Premyo, pabuya at regalo kay Carlos Yulo, wala nang buwis — BIR

        WALA nang buwis na babayaran si two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo para sa nakuha niyang premyo, awards, mga regalo o donasyon makaraan ang naging mahusay na performance nito sa nagdaang 2024 Paris Olympics.       Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. dahil sa karangalan na naibigay nito sa bansa […]

  • Tagumpay ang romcom serye ng Puregold Channel: WILBERT at YUKII, ‘di binigo ang tagasubaybay ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile”

    NAGWAKAS na kamakailan ang pinakabagong hit na serye ng Puregold Channel ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile.     Ang isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay, dahil sa wakas, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng […]

  • Pagbabawas sa bilang PNP generals, irerekomenda ng DILG

    IREREKOMENDA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng mga police generals mula sa mahigit na 130 ay maging 25 na lamang.   Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng ‘top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato […]