DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging magsuot ng face mask, face shield, sumunod sa physical distancing, maghugas ng kamay, mag-disinfect at iwasan ang pagtungo sa matataong lugar.
Aniya, inilunsad ngayong holiday season ng kanilang ahensya ang staysafeph app na ang layunin ay magabayan at maipaalam agad sa publiko ang mga lugar na may Covid positive o kayay may mga Na-exposed na mga indibiduwal.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ng kalihim ang lahat ng private establishments pati na ang mga indiBidwal na pumapasok sa mga establisyimento na i-download ang StaySafePh sa mga cellphone, dahil Ito lamang aniya ang government owned at pinayagan ng IATF. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
“MAGIC MIKE’S LAST DANCE” TRAILER TEASES FINALE OF SEXY TRILOGY
JUST in time for Valentine’s Day 2023 comes the third installment of the blockbuster “Magic Mike” film franchise, the musical comedy “Magic Mike’s Last Dance.” Check out the film’s official trailer on YouTube and Facebook below: https://youtu.be/MRVXQeGjCMs https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/491044626330277/ About “Magic Mike’s Last Dance” The creative team behind the first […]
-
Dengue, nasa outbreak level na — DOH
MALAPIT na umanong mag-anunsiyo ng dengue outbreak si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa dahil nasa outbreak levels na aniya ang dengue cases na naitatala nila sa bansa. Sinabi ni Herbosa na nakausap niya ang director ng Epidemiology Bureau (EB) ng DOH at sinabi nitong nasa outbreak levels na ang […]
-
RFID sa NLEX mataas na ang detection capability
Pinaganda at mas mataas na ang detection capability ng RFID na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX), ang unit ng Metro Pacific Tollways Corp., upang mabigyan ang mga motorista ng magandang customer experience sa mga toll gates. “We have finished installing RFID early detection features in 188 toll lanes, completing the current […]