• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa kanila kaya ito ni Rayver?… JULIE ANNE, ipinasilip ang nabiling lote na patatayuan ng rest house

IPINASILIP ni Julie Anne San Jose ang ground breaking ng kanyang nabiling lote. 
 At sa pictures na ipinost niya, makikitang kasama pa rin niya ang rumored boyfriend na si Rayver Cruz.
Walang detalyeng inilagay si Julie Anne sa kanyang post. Pero base sa nalaman namin, halos 4,000 square meters daw ang lote nito sa Tagaytay.
Plano ni Julie na patayuan ito ng isang private rest house at do’n daw siya kapag may gagawing kanta.
Siyempre, dahil nga kasama niya si Rayver nang mag-ground breaking, may mga nag-iisip agad na baka para sa kanilang dalawa na ito, huh.
Anyway, hindi lang talaga maingay si Julie, pero balita namin, dalawang bahay na ang naipapatayo nito at nabili na rin ang mga katabing lupa.
In fairness, nakakatuwa na may kinapupuntahan talaga ang mga pinaghihirapan at pinagpapaguran niya.
Sa isang banda, this July na rin mapapanood sa mga sinehan ang movie nina Rayver at Julie, ang “The Cheating Hearts.”
***
IPINOST ni Janno Gibbs sa kanyang Instagram account ang larawan ng anak na si Gabriella Gibbs o si Gabs at ishinare rin ang feature ng @wondermagph kunsaan, napili nitong mag-open about her sexual preference.
Ayon kay Janno, “So proud of my @gabsgibbs for bravely embracing her true self. Papa’s got your back, whatever path you choose to follow.”
Sa edad na 25, sure na raw si Gabs kung ano o sino siyang talaga.
“I’m queer,” ang diretso raw na naging pag-amin niya at inamin nito na confident siya na maiintindihan at tatanggapin siya ng mga magulang, considering na expose ang mga ito sa LGBTQ+ sa klase ng trabaho.
Meron na rin itong girlfriend.
Pride month ngayon. Kung matatandaan, last year, ang anak nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan ang nag-come-out din as queer.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni  Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo     “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]

  • TARGET NA 1 MILYON LIBRENG FACEMASK NAKAMIT NA NG MANILA LGU

    NAABOT na ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang paggawa ng 1 milyon target na face mask na ipinamahagi ng libre sa mga residente ng lungsod.   Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na magdadagdag pa ng panibagong 500,000 na face mask upang maipamahagi pa sa mas maraming Manilenyo.   Matatandaan na nagsimula […]

  • PBBM tiniyak may sapat na suplay ng bigas sa kabila ng nararanasang El Niño

    TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot.     Sinabi ng Pangulo na walang dapat i-pangamba ang publiko na kapusin ang suplay ng bigas at mga pagkain.     Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, sinabi ni Pang. Marcos […]