• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakikita ang progreso sa “fishing talks” sa pagitan ng Pinas at China

MAY nakikitang progreso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “fishing talks” sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng kamakailan lamang na ulat na may isang Chinese navy vessel ang bumubuntot sa BRP Francisco Dagohoy mula Pag-asa Island at pabalik ng Palawan.

 

 

Ang nasabing insidente ay nangyari noong Biyernes, June 16,2023.

 

 

Sa isang ambush interview sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na ang latest na report ay sinundan na lang ng Chinese navy vessel ang BRP Francisco Dagohoy kung saan hindi kagaya dati na hinaharang nito ang mga Filipino na mangingisda.

 

 

“So, there’s a little progress there,” ayon sa Pangulo.

 

 

Idinagdag pa ng Pangulo, “Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) has even projected bigger haul for Filipino fishermen due to the improved situation in the area.”

 

 

“That is because we are continuing to talk to the Chinese government, President Xi [Jinping], in every way,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa nito na nang makipagpulong siya kay  Xi nito lamang Enero ng kasalukuyang taon,  nakatuon aniya siya sa usapin ng pangingisda sa halip na territorial dispute hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

“Ang inuna ko talaga noong kami ay nagkita, unahin na lang natin ‘yung ating fisheries. Huwag na natin pag-usapan ‘yung teritoryo dahil hindi naman tayo makakapag-decide ngayon dito na nag-uusap tayo. Unahin natin ‘yung mga fisheries, dahil sinasabi ko, wala namang kasalanan ang mga tao bakit natin paparusahan,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang rice tariffication law

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.     “Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media […]

  • Mababa sa 0.0013% ng 9-M fully vaccinated Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 – FDA

    Iniulat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga “breakthrough COVID-19 infections” sa mga indibidwal sa kabila na sila ay mga nabakunahan pero ito ay maliliit lamang na bilang o porsyento.     As of August 1, mayroong 116 kaso ng COVID infection sa mga indibidwal na fully vaccinated kung saan 88% dito ay mild […]

  • Natupad ang wish na suportahan ang sampung entries: VILMA, inaming nag-ambag si RALPH sa movie ni PIOLO

    KUNG itinanggi ni Vilma Santos ang pagiging producer ng pelikula nila ng kanyang favorite leading man na si Christopher De Leon na “When I Met You In Tokyo”, inamin naman niyang may naging ambag sa pelikulang “Mallari” si Cong. Ralph Recto.   Sey pa ng multi-award winning actress, nag-share lang daw sa movie na pinagbibidahan […]