• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 PBA star players, dumalo sa blessing ng bagong renovate na sports complex sa Navotas

DUMALO bilang espesyal na mga panauhin ang tatlong star players ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagbubukas ng bagong renovate na sports complex sa Navotas City, kasabay ng pagdiriwang ng ika-16 na Anibersaryo nito.

 

 

Nagtatampok ang bagong ayos na pasilidad ng full-length na basketball court, fully air-condition na mga dugout, at espasyo para sa gym.

 

 

Hinihikayat ng tatlong PBA players na sina LA Tenorio, Terrence Romeo, at Paul Lee ang mga Navoteño, lalo na ang mga kabataan, na pumasok sa sports at magpatibay ng aktibong pamumuhay.

 

 

“The Navotas Sports Complex bore witness to some of our city’s milestone events. Most notably, this place served as our mega swabbing and vaccination center during the peak of the pandemic,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

“We have improved the facility to provide a better experience to Navoteños when we hold events here,” dagdag niya.

 

 

Samantala, hinihimok naman ni Cong. Toby Tiangco ang mga mamamayan na pangalagaan ang complex para mas matagal itong magamit.

 

 

Pagkatapos ng blessing, sumunod ang isang exhibition game sa pagitan ng Team JRT, na binubuo ng mga konsehal ng lungsod, at ng Team DepEd Navotas, na kinabibilangan ng Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at mga guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Navotas.

 

 

Dinomina ng Team JRT ang kompetisyon na may isang puntos na kalamangan, 81-80. (Richard Mesa)

Other News
  • Early registration para sa next school year magsisimula na sa Marso 25 hanggang Abril 30 – DepEd

    MAGSISIMULA na ang early registration sa mga pampublikong elementarya at sekondarya para sa susunod na school year sa araw ng Biyernes, Marso 25 hanggang Abril 30.     Base sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones, maaari ng mag-preregister ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 mag-aaral sa lahat ng […]

  • Frances McDormand at Anthony Hopkins, Best Actress at Best Actor sa ‘93rd Academy Awards’; Chloe Zhao, Best Director para sa ‘Nomadland’ na nanalong Best Picture

    A night a diversity ang 93rd Academy Awards or the Oscars dahil sa history-making winners nila sa kanilang top categories.     Ang Chinese-American filmmaker na si Chloe Zhao ay ang first woman of color na manalo ng best director award para sa pelikulang Nomadland na nanalong best picture.     Si Zhao rin ang […]

  • DTI, ipapanukala ang pagtanggal sa plastic dividers sa mga establisimyento

    NAKATAKDANG ipanukala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal sa mga plastic covers o barriers sa loob ng mga establisimyento bilang bahagi ng COVID-19 protocols ng mga negosyante na kailangang sundin ng mga ito.     “Isa pang kino-consider na pagtanggal, whether mag-move tayo sa Alert Level 1 o hindi, ay ‘yung mga […]