PLM PINURI KALIDAD NG PAGTUTURO, 195 TAKERS PASADO SA 2023 NLE
- Published on June 27, 2023
- by @peoplesbalita
SA PANGUNGUNA ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila ang isang resolusyong nagbibigay papuri sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos pumasa ang lahat ng kanilang estudyante sa nakaraang Nursing Licensure Exam (NLE) na nalagpasan ang dating 74.94% na passing rate.
Sa naturang resolusyon na sama-samang iniakda nina Councilors Pamela “Fa” Fugoso, Irma Alfonso-Juson, Louie Chua, at Ernesto “Jong” Isip. Jr., nagkaisa silang purihin ang 195 na nagtapos ng nursing sa pamantasan matapos lahat ay pumasa sa 2023 NLE kung saan 15 sa kanila ang napasama pa sa listahan ng mga topnotchers.
Ang 15 sa mga kabilang sa listahan ng mga topnotchers ay sina Miyu Krista Cuyson Miura na nakakuha ng 3rd place; Karl Russel Abuyo Acuna, 5th place; Pamella Metucua Cordero, 6th place; Dan Precioso Gonzales Cruz, 7th place; Sharmaine Anne Velilla Enriquez, Alexandra Cathlene Infante Pineda, Michaella Valenzuela Umlas na nasa 8th place; Kyla Tolentino Abrencillo, Angelo Jose Mejillano Molina, Jemiline Pascua Olbocm, Shee Ann Mae Doctor Pagasian sa 9th place; at Jed Andrew Stephen Yap Milag, Natasha Mae Basilia Jacinto, Mary Joyce Diane Villotica Lim, at Angelika Arandela Ocampo sa 10th place.
Dahil na rin sa huwarang pagganap, ginawaran ng Professional Regulation Commission (PRC) ang PLM bilang isa sa “Top Performing School” ngayong taon sa NLE.
Mabilis namang inaprubahan ng lahat ng miyembro ng Sanggunian ang resolusyon habang tangan pa ni Vice Mayor Nieto ang gavel.
“With [the] utmost support from Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, PLM continues to shine as one of the premier universities in the country,” pahayag ni VM Nieto.
Ang PLM ay isang pamantasang may sariling awtonomiya na pinondohan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na naghahandog na libreng matrikula sa mga matalino at kuwalipikadong estudyante mula sa buong bansa. (Leslie Alinsunurin)
-
Kasama sa primetime series ni Dingdong: RABIYA, masayang-masaya sa big break na ibinigay ng GMA Network
OUR congratulations to GMA Network, Director Mark Reyes at sa buong production staff ng #V5LegacyThe CinematicExperience, dahil hindi na nila kailangang mag-promote na panoorin ang naiibang panonood ng VoltesV: Legacy on the big screen. Labis ang pasasalamat ng writer na si Suzette Doctolero at Direk Mark sa mga moviegoers dahil sila na ang nagpo-post […]
-
Mahigit 200 indibidwal, patay sa leptospirosis sa first half ng taong 2023 – DOH
Iniulat ng Department of Health na pumalo na sa mahigit 200 indibidwal ang namatay mula sa sakit na leptospirosis. Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, mula noong Jan. 1 hanggang July 22, 2023 ay umabot na 233 ang bilang ng mga nasasawi nang dahil sa nasabing sakit na mas mataas […]
-
PBBM: ASEAN, dapat tugunan ang brain drain sa healthcare sector
DAPAT na mag-adjust ng Southeast Asian countries at maghanap ng paraan para tugunan ang human capital flight, partikular na ang healthcare sector para sa kapakanan ng rehiyon. Ang usapin ng brain drain sa health sector ng rehiyon partikular na sa pangingibang-bayan ng mga nars at doktor ay tinalakay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand […]